Southwoods 4x4 park paps! Pagkakaalam ko wala naman fee dun. Kung punta ka sabihan moko! Sama ako! Hahaha!
Edit: Mt. Balagbag din pala in Rizal, can be done in 4x2 even without locked hubs. Pero syempre sa ganitong lugar na malayo sa sibilisasyon maigi may kasama kahit na sabihing easy trail sya.
Safest bet sa southwoods kung kayo dalawa lang mag ama, pero may nasustuck pa din naman dun. Meron kasi dun yung parang malaking bowl, pag maulan lakas makakolekta ng sasakyan eh.
Kinaganda naman nya since park, kita mo na agad yung mga tracks at matatantya mo agad kung kaya.
May nakita ako dati isang website tapos naka lista mga favorite spots eh, nakaclassify pa difficulty levels. Bale yung levels iniindicate nila minimum settings ng oto tska tools needed and if may possible damage sa katawan, ilalim and what not.
Pag nahanap ko post ko dito.
Sama ako! Sobrang layo nga lang nyan sakin at sa south pako, maigi sunday trip para di gano trapik. Meantime checkout ko din yung sa southwoods kung kamusta na kapag napauwi ako sa inlaws sa tagaytay. Along the way naman kasi. Baka din puros halaman na yun with the recent rains.