New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 33
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #1
    Alam ko, hindi happy si PNoy kay Alvarez....yung nasa Customs.
    Sino pa yung 2?



    3 opisyal pinasasakit ang ulo ko! - PNoy | Pilipino Star Ngayon » Pilipino Star Ngayon Sections » Bansa


    MANILA, Philippines - Inamin kahapon ni Pangulong Aquino na tatlong miyembro ng kanyang Gabinete ang nagpapasakit ng kanyang ulo.

    Sa kanyang mensahe sa ika-113 anibersaryo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kahapon, sinabi ng Pangulo na sa tuwing makikita niya ang tatlong Gabinete niya ay parang nagpepenitensiya siya.

    “Meron akong ilang miyembro ng Gabinete nasa 2 hanggang 3 na kada makikita ko kaagad iniisip ko ano kayang bad news ang dala dala nito,” pahayag ni Aquino sa kanyang mensahe.

    Hindi naman tinukoy ng Pangulo kung sinu-sino ang Gabinete na sakit ng ulo niya.

    “Yung iba po pinipilit ko na lang pong harapin dahil talagang problema, itong taong ito talagang penitensiya ko na ito sa mundong ito,” wika pa niya.

    Habang hindi tinukoy ni PNoy ang tatlong sakit ng ulo niya ay pinangalanan naman nito ang tatlo pang Gabinete na nasisiyasahan siya sa tuwing makikita niya na sina DPWH Sec. Rogelio Singson, DOST Sec. Mario Montejo at Budget Sec. Florencio Abad.

    Aniya, kapag ito ang kanyang nakikita ay kadalasang solusyon ang bitbit ng mga ito hindi tulad ng tatlo na sakit ng ulo at ‘pasang krus’ niya.

    Ipinagmalaki rin ng Pangulo na naalis na ang taguring ‘pinaka-corrupt’ na ahensiya ang DPWH sa ilalim ng liderato ni Sec. Singson.

    Wika pa ni Aquino, sa pamamagitan ng DPWH hotline ay 24 oras nang puwedeng magsumbong ang taumbayan sa nasabing ahensiya.

    Aniya, sa loob lamang ng 12 buwan na pag-upo ng Aquino government ay mabilis na nawala ang pa*nanaw ng publiko na puno ng korapsyon ang DPWH bagkus ay naging kaagapay ito ng gobyerno upang tahakin ang tuwid na daan.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,339
    #2
    I'd like to believe there is improvement in the DPWH... masama ang loob ng kakilala ko na malaking contractor for DPWH kay Pnoy (and the said contractor really pays off politicians and officials). :D

    Panay reklamo siya about the slower movement of project approvals and slower payments releases, etc... which when explained, is mainly due to ongoing audits.

  3. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    24,751
    #3
    Quote Originally Posted by vinj View Post
    I'd like to believe there is improvement in the DPWH... masama ang loob ng kakilala ko na malaking contractor for DPWH kay Pnoy (and the said contractor really pays off politicians and officials). :D

    Panay reklamo siya about the slower movement of project approvals and slower payments releases, etc... which when explained, is mainly due to ongoing audits.
    hehe, my unlce works for DPWH and he is also smiling at hindi na niya kelangan matagala ipaliwanag na bawal lagay, sasabit daw dahil sa hotline.

    But PNoy still needs to kick some cabinet off the team. Bawal KKK na boplaks.
    Fasten your seatbelt! Or else... Driven To Thrill!

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #4
    tutal, siya naman ang nag-appoint sa kanila. dapat ata tanggalin na lang nya yung 3. hwag na'ng magreklamo in public.
    para na rin nyang siniraan ang cabinet nya. kaya tuloy sumasadsad ang approval rating nya eh.

    PNoy......ano ba naman!



  5. Join Date
    May 2004
    Posts
    3,221
    #5
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    tutal, siya naman ang nag-appoint sa kanila. dapat ata tanggalin na lang nya yung 3. hwag na'ng magreklamo in public.
    para na rin nyang siniraan ang cabinet nya. kaya tuloy sumasadsad ang approval rating nya eh.

    PNoy......ano ba naman!


    yeah sya nag appoint(di naman nya namana sa previous admin) so bakit di nya tangalin. di ba dapat di na nya sinasabi yan kasi kasiraan nya yan. wala na satsat and aksyon agad.

    or in other words ano pa hinihintay nya para alisin to? utang na loob?

  6. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #6
    malamang yan...hindi kasama sa KKK yan. ang alam kong isa sa mga di siya masaya yung sa customs.

    eh bakit si puno, torres, & robredo, pumalpak ng husto. di nya makuhang sibakin? dahil ba kasali sila sa KKK?
    no wonder, si de lima.....nagpa-practice na rin mag-shoot. si Pnoy pa (raw) tutor nya.......

  7. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    24,751
    #7
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    malamang yan...hindi kasama sa KKK yan. ang alam kong isa sa mga di siya masaya yung sa customs.

    eh bakit si puno, torres, & robredo, pumalpak ng husto. di nya makuhang sibakin? dahil ba kasali sila sa KKK?
    no wonder, si de lima.....nagpa-practice na rin mag-shoot. si Pnoy pa (raw) tutor nya.......
    +100 sa theory na ito.
    Fasten your seatbelt! Or else... Driven To Thrill!

  8. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    5,994
    #8
    mortal sin of leaders: fall for flatterers
    Damn, son! Where'd you find this?

  9. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    927
    #9
    Presidente natin, penitensiya!

    Kidding! Peace!

  10. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    7,119
    #10
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    tutal, siya naman ang nag-appoint sa kanila. dapat ata tanggalin na lang nya yung 3. hwag na'ng magreklamo in public.
    para na rin nyang siniraan ang cabinet nya. kaya tuloy sumasadsad ang approval rating nya eh.

    PNoy......ano ba naman!


    Yun din naisip ko. Babarahin din naman pala in public, sana inalis na lang. Si Robredo di kasama sa KKK. Kung apat na K siguro pwede. "Kapartido" yung last hehe. Ayaw nya talaga dun, baka napressure lang ng party. Kung track record as mayor sa Naga maganda naman talaga performance ni Robredo.

Page 1 of 4 1234 LastLast
PNoy: "3 cabinet officials ko......penitensiya!"