'Got this story through email. Fictional and amusing, but sadly true for a lot of folks. 'Could be a repost though...
Isang ina buhat sa probinsiya ang sumulat sa kanyang anak ng ganito....
Mahal kong anak,
Naipadala ko na ang P 50,000.00 na pang tuition mo. Ipinagbili namin ng tatay mo yung kalabaw natin. Napakamahal naman pala ng kurso mong iyan. Ano ba yung Counter Strike?
Wala na rin pala tayong mga baboy kasi kasama silang ipinagbili namin para naman sa sinasabi mong project sa school, Nokia N95 ba yun? Ang mahal naman ng project ninyong yan!
Dun mo na lang kunin sa padala naming pera yung P 7, 000.00 para sa field trip ninyo sa Mall of Asia. Malayo ba yun? Bakit ang mahal?
Nga pala, isasanla din namin yung makina na ginagamit ng itay mo sa palayan para mabili mo na yung instrumentong kailangan mo sa iskwela na iPod.
Oo nga pala...napa- ilaw ba ninyo yung pinagpuyatan ninyong SanMig Lights?
Sana maka-graduate ka na anak, at ng makaahon tayo sa hirap.
grabe... minsan nakaka-konsensya tuloy kapag naaalala mo ung mga palusot ng ginawa mo sa parents mo... pero ung mga iPod, cellphone, shopping money, etc ay sobra naman yata yun! kung may kaibigan ako na ganyan, na-sermonan ko na yun dahil hindi biro sa maraming tao ang ganyang kalaki na pera...