Hello po, good PM.
Second to the last ito kasi baka may maisip pa ako sa Friday. HAHA! #Sigurista.
Pero to my undecided friends, gusto ko lang magkwento ng life ko since 2012 at kung paano nito nabuo ang pasya kong iboto ang kandidato ko.

Gusto ko lang ikwento kasi wala pa akong Essay Writing Contest entry ngayong election season. CHOS. Haha. Seriously, though, gusto kong ikwento kung sakaling makatulong ito sa discernment ninyo. Pinili kong magkwento kasi yung data pwedeng igoogle. Pero yung mga kwento ko, exclusive. (WOW HAHA Ganda ko ba.)
Unang ganap.
Una ko pong nakita in person si Sec. Mar noong 2012. 5 months pa lang ako noon sa office. Nagpapractice kami ng SONA na mangyayari sa hapong iyon. Nag-eedit ako ng slides habang nagfifeedback sila.
So natapos na ang revision ng slides at nakaupo na kami para maglunch. Tumabi si Sec. Mar sa akin at sabi niya, “Good job, ha. If you know someone of your skill level, text me so we can hire him/her.” Tapos sinulat niya yung number niya sa scratch paper tapos ang pangalan, MAR. Hindi Sec. Mar, hindi Sec. Roxas. MAR.
Bonggang bonggang boost ng morale talaga ang araw na yun para sa isang bago’t batang (#ClaimingIt Haha) empleyadong tulad ko. Dahil #RealWorld na ito, hindi ka na araw-araw nasasabihan ng “Good Job,” sa trabaho. Pero noong araw na ‘yun, naramdaman ko talaga ang halaga ko sa institusyong ito kahit graphic designer *lang* ako. Naramdaman ko na hindi ako minaliit dahil mismong cellphone number nya at pangalan niya ang binigay nya sa akin.

May mga araw tulad noon na panghahawakan mo lalo na kung kinakain ka ng insecurities.
Sabi ko ayoko na pero chos lang pala.
Hindi ko ito nagawang status dati. Pero in 2013, one year into the job, sabi ko, ayoko na. Quota na ako ng feelings. Ready na talaga ako magpack-up ng “government life.”
Nagpapaalam na sana ako kay Sec. Edwin, sabi ko, isusunod ko na lang yung resignation letter ko pero gusto ko lang magsabi na in person. Medyo nakakahiya yung buong eksena kaya di ko na ikukwento pa yung ibang detalye. HAHA Pero ang sabi lang niya pag-isipan ko pa. Tapos inabutan niya ako ng tissue tapos sabi niya, “Teka may meeting ako. Sumama ka na muna.”
Namamaga pa ata yung mukha ko noon pero umupo na ako kahit hindi pa nagsisimula yung mismong meeting. Maraming Cabinet Secretaries ang nakaupo. Very casualan ang conversation tungkol sa kung ano pang social services ang dapat iexpand para makasabay ang mga nasa laylayan sa economic tide. Very barkada ang peg ng usapan, naalala ko tuloy ang ADHD Productions, na bunga lang din ng mga biruan naming magkakaibigan. (#ShamelessPlug. Haha!)
Isa si Sec. Mar sa mga taong nakaupo sa meeting na ‘yun. Isa siya sa mga masisigasig na nagkukwento kung ano pa ang mga dapat gawin. Sa totoo lang, hindi ko na maalala yung kabuoan ng meeting. Ang naaalala ko na lang, napaisip ako na ayoko pa palang magquit. Sa dami ng feelings ko nung araw na ‘yun, mas naoverwhelm ako sa realization na ang dami pa talagang kailangang gawin at gusto ko pang maging bahagi nito.
#BLESSED
Sa ilang beses na nakatrabaho ko si Sec. Mar, pinakapaborito ko na siguro ang pagbisita ni Pope Francis. Alam ko namang magaling siya gumawa ng systems pero first time kong makita kung gaano siya kacreative gumawa ng solutions.
Sorry. Ito ang sumpa ng #RestingBitchFace.
Some time first week of January 2015, halos patapos na ang office hours, dumating siyang mag-isa sa opisina para iexplain ang grid system na plano niyang ipatupad sa Quirino Grandstand. Hindi ko pa naappreciate yung buong thing at kung gaano ito kaastig hanggang sa makita ko ito from an aerial perspective.
ANG SMART PO PLEASE.
Naappreciate ko talaga noon kung gaano siya ka-hands on type na boss. Bilang isang graphic designer, mahalaga sa aking nahuhuli ko yung mismong vision ng client kaya mahirap kung hindi malinaw ang instructions. Iba si Sec. Mar. Idodrawing niya sa papel bawat slide at kung anong gusto niyang makita. Tapos bahala na ako sa aesthetics. Mahalagang trait yan para sa akin kasi hindi kami nag-aaksaya ng panahon sa hit or miss.
Sec. Mar looking at things! (Inspecting the setup from the MMDA HQ at Luneta Hotel, day before Pope Francis' arrival)
Kung tutuusin, hindi naman kailangangang siya mismo ang mag-explain sa akin ng grid system para malagay ko sa slides nya. Pero ginawa niya kasi nasa area na rin naman siya. Nakakatawa siguro pero ganyan siyang type ng worker. Kung kaya nya, go na. Kahit marami kaming staff na kasama niya sa isang lugar, kung may bubuhating mesa o kung anuman, hindi niya iuutos. Gagawin na niya.
“I care about my job, Sir. I care about you.”
Mula sa pelikulang "Caregiver."
4 years and 2 months pa lang ako sa gobyerno at yung trabaho ko naman hindi kasing hard core ng mga taga-DSWD na umaariba talaga sa field. Pero ang takeaway ko talaga sa lahat ng ito ay nahanap ko na ata ang calling ko: to design for social causes.
Naniniwala naman akong di ako hahantong sa pasyang ‘yan kung hindi dahil sa trabaho ko ngayon.
Alam ko, dyahe yung feelings feelings na ‘to pero gusto ko pa ring ishare kasi ito talaga yung dahilan bakit para kay Sec. Mar, Ma’am Leni, at sa Continuity ang boto ko.
Hihiramin ko na ang paragraph ng aking new friend na si Ray Gomez sa kanyang post:
This administration despite its imperfections, has inspired young idealistic people like me to join the movement for a better Philippines, to join government. After years of corruption and incompetence, this government gave us hope that we can do better and we can be better. This administration did not bring perfection, but it brought hope.
Sana huwag pong mamisinterpret ito. Hindi ko sinasabing palakpakan ang mga kabataang pinipiling magtrabaho sa gobyerno. HAHA. Ang sinasabi ko lang po, baka magandang point for reflection ito: if this administration is as bad as the universe paints it to be, sana hindi dumarami ang mga kabataang nagpapasyang magtaya para rito.
Wala po akong malinaw na statistics pero sa ilang mga Kwentuhan Sessions powered by Bagumbayani Initiative (#ShamelessPlug2), dumarami talaga ang mga interesado. Hindi ko sinasabing mababawasan ang bilang na ‘yan kapag hindi nanalo si Sec. Mar. Ang sinasabi ko lang po, may goodness sa kasalukuyang administrasyon kaya maraming bagets ang sumasali. Baka lang po hindi na natin makita ito dahil ang daming nega sa lipunan lately.
Hindi ko po sinasabing #WeHaveArrived. Ang sinasabi ko lang po, #WeAreMoving.

So ito na nga.
Ang dami kong sinabi. HAHAHA.
To my undecided friends, sana nahagip ninyo ang #hugot ko ngayong election season sa gitna ng lahat ng daldal. More importantly, sana rin nahagip ninyo kung bakit si Sec. Mar ang pinili ko. Kasi sa gitna ng lahat ng mga maling kailangang itama, hindi ko maitanggi sa sarili ko ang uri ng paglilingkod na kaya niyang ibigay:
- Paglilingkod na hindi mapangmata. Paglilingkod na kumikilala sa akin bilang ako at hindi bilang isang alipin lang. (Kahit Smiles ang tawag niya sa akin. Huhu #Tito)
- Paglilingkod na may malinaw na pagsusuri sa mga problema at may malinaw na solusyon para rito.
- Paglilingkod na naiintindihan ko kung paano ko sasabayan bilang taga-sunod. Hindi ko kailangang hulaan ang gusto niyang gawin kasi kaya niyang ipaliwanag sa akin nang buo at may lohika.
- Paglilingkod na naiinspire akong maging mas magis pa.
Salamat mga friends. Be strong! I-message niyo na lang ako kung may tanong kayo. Pero wag niyo na ako awayin. 7 days na lang, sayang naman! HAHA <3