New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 16
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,346
    #1
    DAHIL sa matinding pagnanasa ng Malacañang na mawala sa pulitika ang oposisyunistang si Makati City Mayor Jejomar Binay, kinukumbinse ngayon ng mga kaalyado ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang negosyanteng si Manny V. Pangilinan bilang kapalit ni Sen. Lito Lapid na kandidato sa mayoralty race ng lungsod.

    Ibinunyag ng isang mapagkakatiwalaang source ang tumitinding panliligaw ng Malacañang sa grupo ni Pangilinan habang lumalapit ang palugit sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Marso 29. Ayon sa source, nananatiling malaking suliranin ng Malacañang ang kawalan ng “appeal” ni Lapid sa mga negosyante kaya tiyak na malulumpo
    lamang ang kandidatura nito kay Binay.

    “Alam ng political strategist ng Malacañang na walang panalo si Lito kay Binay. Nagsisimula na silang maghanap ng ibang panlaban at si Pangilinan ang nakikita nilang alternatibo,” anang source. Hindi man kapanalig ni Pangilinan ang lahat ng mga negosyante na naka-base sa Makati City, sinabi ng source na may “appeal” naman ito sa karamihan kung ikukumpara kay Lapid.

    “Iba siyempre kung negosyante ang ipantatapat kay Binay. Alam n’yo namang financial capital ng bansa ang Makati, bawal talaga ang mangabayo doon,” natatawang paha-yag ng source na tinukoy ang madalas na pagsakay ni Lapid sa kabayo sa mga pelikulang ginawa nito katulad ng Leon Guerrero.

    Nalaman sa source na nagpadala ng mensahe ang emisaryo ng Malacañang
    sa kampo ng mga Binay kaugnay sa kanila umanong malaking sorpresa dito. Inihayag ng source na bubulaga sa mga Binay ang posibleng pagtakbo ni Pangilinan sakaling tuluyan itong makumbinse.

    Ibinunyag rin ng source na lubhang hindi interesado si Lapid na tumakbo sa pagka-alkalde dahil nais nitong tulungan ang re-election ng problemadong anak na si Pampanga Gov. Mark Lapid na babanggain ni Lilia “Baby” Pineda, maybahay ni suspected big-time jueteng lord Rodolfo “Bong” Pineda


    ========================================


    Talagang desperado na nga ang Malacanang. Kasi si Lito, nasira siya sa balak niyang campaign ad line " Let's Makati Happy!"Bwa-ha-ha!


    Pero ang tanong diyan, pumayag naman kaya si MVP?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    36,821
    #2
    MVP will never stoop down to GMA's level..I'm sure he will not run...

    ano akala nila katulad ni paquiao si MVP, na walang utak at nagpauto sa kanila...

  3. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    38,973
    #3
    At saan naman kaya dadamputin si Lapid?

    2201:attack:

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,919
    #4
    Manny Panigilinan?......mas malamang hindi........pero pwede ring oo...ang tanong na lang eh kung paano gigipitin ng gobyerno si Pangilinan para mapapayag....

  5. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,322
    #5
    Quote Originally Posted by jaspi11 View Post
    Manny Panigilinan?......mas malamang hindi........pero pwede ring oo...ang tanong na lang eh kung paano gigipitin ng gobyerno si Pangilinan para mapapayag....
    Siguradong gigipitin si Pangilinan mapapayag lang sa gusto ng Malakanyang. Alam naman natin kung gaano karumi maglaro ang mga bata ni Gloria sa pulitika.

  6. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,346
    #6
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    Siguradong gigipitin si Pangilinan mapapayag lang sa gusto ng Malakanyang. Alam naman natin kung gaano karumi maglaro ang mga bata ni Gloria sa pulitika.

    Sumalosep! Huwag naman sana nilang gawin kay MVP yan.

    Sa laki ng kinikita ni MVP, tanggapin niya yung pagka-Mayor na magkano lang ang suweldo?

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    20,070
    #7
    Quote Originally Posted by CVT View Post
    At saan naman kaya dadamputin si Lapid?

    2201:attack:
    May 3 years pa sya sa Senate.

  8. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    387
    #8
    Makati being the financial capital of the country, a no-nonsense
    corporate type like MVP as mayor would indeed be fitting.

    Sana pumayag siya at sana naman hwag naman syang gaguhin
    ng Malakanyang.

  9. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    4,293
    #9
    asawa ang kailangan ni MVP hindi mayorship....MVP awill be a good mayor but he will not gain anything.....[SIZE="5"]LEAVE MVP ALONE!!![/SIZE]

  10. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    6,105
    #10
    Hindi pwede mag-asawa si MVP dahil sya ay isang....

    ayon sa aking bubwit... hehehe

Page 1 of 2 12 LastLast
Manny Pangilinan Ipapalit Kay LAPID sa Makati Mayoralty Race?