New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 8 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 74
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #1
    Few hours ago, lumapit sakin ang mom at tita ko, kasama nila si Aling Gina, isang bulag at ang tanging ikinabubuhay nuon ay ang magmasahe, pero matumal na din daw ang kita nya ngayon at last november ay iniwan silang magiina ng kanyang asawa na bulag din.

    Ilang beses na daw sya nagpatulong magpasulat at magpadala ng liham sa GMA 7 kapuso "Wish Ko Lang", pero dahil siguro sa dami ng nagpapadala ay hindi napansin ang sulat nya, kaya siguro lumapit siya sa tita at mother ko para makisuyo sa akin na ipadala ang kanyang istorya sa pamamagitan ng email.

    Naglagay din po ako ng kopya dito at ilalagay ko din po sa iba pang online forums nang sa ganun po ay mas madali pong mapansin ang kanyang sulat.

    hinihiling ko lang po sana sa inyo na kung maari ay tulungan natin siyang mapaabot at mapansin ang liham na ito sa napili nyang programang "Wish Ko Lang" ng GMA 7.

    Jedi Dancel
    Tsikot Admin

    Ito po ang kopya ng kanyang Liham...


    February 15, 2005
    Dear Mam,

    Sana'y lalo pang humaba ang inyong programa para marami pa kayong matulungan mahihirap na katulad ko, sya nga po pla ako po si Gina isang Bulag! May asawa nakapareho ko po din bulag din at may tatlong anak na puro lalaki ang panganay ko po ay mahigit Limang taong gulang na, ang pangalawa naman po ay kambal mahigit isang taon na rin sila ang problema ko po ay kung paano sila pag aaralin dahil wala na akong hanapbuhay pag mamasahe po ang aming kinabubuhay at pinag kakakitaan subalit ngayon po ay wala na po halos kumukuha sa akin, marahil po sa pagdami ng mga masahista at sa pagtaas ng mga bilihin. h

    Mam, hirap na hirap na po talaga kami sa buhay namin sa katunayan po ang dalawang anak ko ay nasa Bicol at hindi ko na din po sila mapadalhan ng suporta kahit na nga si B1(palayaw po ng isa sa mga kambal ko) na sa palagay ko po ay di ko na din mapapagamot sa sakit niya pong LOS-LOS ito nga ang dati ng naoperahan na sa PCMC sa bandang kanan makalipas ang dalawang buwan sa kaliwa naman ang lumaki.

    Mam, ayaw ko na pong maulit ang palayasin kami sapagkat iisa palang ang anak ko ay dalawang beses na kaming pinagtabuyan ng mga sarili kong kamag anak kaya't ng lumakas yung kita namin noon nagsikap kaming makabili ng kahit maliit na lote manlang para di maranasan ng mga anak ko ang maging kaawa-awa kaya lang hindi pa rin iyon matirahan kasi na umpisahan pa lamang, dahil wala na akong pera pangarap ko po sanang mabuo hanggang tatlong palapag para may paopahan at magkaroon ng hanap buhay para masundo na rin po ang aking mga anak, pagkat nangangamba ako na baka kung magtagal pa ay tuluyan ng lumayo ang loob nila sa akin, mahal na mahl ko ang tatlo kong mga anghel sila na lamang ang aking insperasyon sa kabila ng napakaraming pagsubok at mga suliranin sa buhay.

    Mam, sana'y mabigyan po ninyo ng isponsor sa pag-aaral ang aking mga anak lalo na ang panganay dahil grade 1 na siya sa darating na pasukan elementary at highschool na lang po ni elson kasi tapos na kaming mabayad para sa college plan nya sa probinsya marami rin po nagsasabing matalino daw at bibo si elson kaya raw pwede niyong siyang dalhin sa director at subukan gusto ko rin pong magkaroon ng videoke dahil mahilig po akong kumanta at kung papalarin yun na rin ang hanap buhay ko upang maitaguyod ang aking mga anak.

    Mam, Nuong nakaraang November ay tuluyan na po kaming iniwan ng aking asawa, hindi ko na po alam kung paano ko sila bubuhayin lalo na po sa kalagayan ko na hindi nakakakita. Maliliit pa po ang aking mga anak at ang "Wish ko lang" ang pinagdarasal kong makapagbibigay katuparan sa kahilingan ko para sa aking mga anak. Gustong gusto ko na po silang makapiling.

    Wala pa pong titulo and aming maliit na lupa, wala din po akong perang ipangpapagawa upang mayroon po kaming tuluyang mag-anak at sa ngayon ay nakikitira lamang po ako mula ng iwan kami ng aking asawa. Ngayon po ay nararamdaman ko pong nagiging pabigat ako sa kanila lalo na sa aking kalagayan.

    Kahit po isa lamang sa aking mga kahilingan ang inyo pong mapg bigyan ay lubos ko pong tatanggapin...

    Salamat po sa inyong oras sa pagbabasa ng aking sulat.. at ito po ay pinacomputer ko lang po sa aking kapitbahay. di ko na po hinihiling na ako'y makakita basta lang po sana mapaganda ko ang kinabukasan ng aking mga anak...


    Lubos po akong umaasa at nagpapasalamat at nagkaroon ng programang Wish Ko Lang

    Lubos na gumagalang,
    Gina B. Merelos

    Address:
    Blk. 63 Lot 4 P 5 A Upper Bicutan Taguig City

    Add:
    Ang aking lote sa Lower bicutan
    301 Mlq Quezon Street Lower Bicutan
    sa likod ng Fishpond Restaurant

    Add:
    Ang aking anak sa Bicol
    24 Mactan Street Zone 6 Sab Agustin
    Iriga City

    Maari po akong tawagan
    c/o Myrna Bautista / Myrna Store
    Tel: 8374675


  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #2
    tulungan po sana nating maipaabot ang liham na ito sa "Wish Ko Lang"
    forward po natin ang liham/post na ito sa iba pang forums.

    Ito lang po ang naisip kong paraan para makatulong sa kanya. nakapag-email na din po ako sa GMA7.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #3
    Try ko ipaabot kay Boy Sonza, nanliligaw kasi yun sa tita ko...

    Sana hindi magsawa kasi lagi sya basted... Sana magawan nang paraan.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #4
    salamat Sir, at this moment andito sya sa house, kakwentuhan namin, nakakalungkot yung story ng buhay nya... lalo na sa mga anak nya na gusto nyang makasama.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,825
    #5
    why don't we guys organize our own fund-raising scheme for her children (instead of just relying on the said show)?

    we can either give a one-time donation. or pledge an annual donation.

  6. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #6
    Cge Call ako dyan!!! Then pwede din tayo ask dun sa said show...

    OK ba yun!!!

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,825
    #7
    Quote Originally Posted by CLAVEL3699
    Cge Call ako dyan!!! Then pwede din tayo ask dun sa said show...

    OK ba yun!!!
    baka ma feature pa tayo...

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #8
    kahit wag na. hahahahaha... Sino unang lalabas???

    Ano kailan natin set... ????

  9. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,849
    #9
    Quote Originally Posted by mazdamazda
    why don't we guys organize our own fund-raising scheme for her children (instead of just relying on the said show)?

    we can either give a one-time donation. or pledge an annual donation.
    that's a good idea, really. I'll do anything to help...

  10. #10
    Quote Originally Posted by ts1n1ta
    that's a good idea, really. I'll do anything to help...
    Hats off to you...

Page 1 of 8 12345 ... LastLast
A Letter to "Wish Ko Lang" GMA 7