New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 12
  1. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    554
    #1
    Pwede ka rin ba kayang mademanda ng reckless driving at homicide kung makabangga ka ng tao sa isang tollway? let say sa coastal road... alam naman natin na maraming tumatawid doon at kahit na sa gabi meron pa rin.
    Tollway yon at nagbabayad tayo..db dapat secured yon? Eh kung hahayaan na lang nila na may tumawid-tawid doon... eh papaano naman tayong nagbabayad? Ibig bang sabihin nag-babayad lang tayo dahil sa doon tayo dumadaan? o nagbabayad tayo dahil sa security din natin? o dahil sa safety natin? Ano ba ang mahalaga ang safety o security? Ano ba ang dapat unahin... safety tpos security o security muna bago safety?

  2. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #2

    Ang alam ko sa batas natin,- kapag ikaw ang nakabangga,- ikaw ang may kasalanan....

    Bad trip nga riyan sa Coastal Road Tollway dahil maraming tumatawid...May mga madilim pang parte.... Delikado, kaya ingat lang sa pagmamaneho...

    OT: Nagkaroon ako ng engkwentro sa isa nilang empleyado sa may tollbooth nila some months ago. Wala akong alam na ginawa ang Management nila (PEATC yata). Kahit man lang courtesy na sagutin ang aking fax confirmation ng aming telephone conversation earlier. Wala.... Hay naku!...

    8101:oops2:

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #3
    technically, dapat wala. dahil people should not be in the tollways in the first place. pero alam mo naman ang batas dito.

  4. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #4
    Para lang naman yang motorsiklo eh, nanahimik ka magdrive sisingit sila, pag nabangga mo, ikaw may kasalanan. :poke:

    BTT:

    Dapat wala sila diyan kasi tollway yan, they obviously will cause accidents, dapat sakanila hinuhuli.

  5. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    7,186
    #5
    OT.

    May hawig din itong tanong. kapag naka bangga ka ng taong tumatawid sa ilalim ng pedestrian overpass, kasalanan ng driver?

    based sa mga unang sagot. OO.

  6. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    994
    #6
    Basta nakabangga ka, tao man o sasakyan din, ay may kaso ka. Ang pinakamahalaga sa lahat ay huwag mong tatakbuhan ang nabangga mo.
    Nasa abilidad na ng Lawyer mo yan kung pano mo ka ilulusot sa kaso.

    Exception: kung nakabangga ka sa squatter's area, mas mabuting huwag kang tumigil sa lugar na yun... duon ka sumuko sa pinakamalapit na Police station. May kakilala kaming nakabundol ng bata sa squatters, huminto na siya para itakbo ang bata sa ospital. Kaso, maraming tambay ang nakisawsaw. Ninakawan siya at nasaksak pa. Buti at nabuhay pa siya.


  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,872
    #7
    Quote Originally Posted by CVT View Post

    Ang alam ko sa batas natin,- kapag ikaw ang nakabangga,- ikaw ang may kasalanan....

    Hindi po ưan ang nakalagay sa batas natin.

    Kakasuhan ka ng pulis dahil SOP yun pero hindi nangangahulugan na ikaw ay merong pananagutang kriminal.

  8. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    554
    #8
    Quote Originally Posted by meledson View Post
    OT.

    May hawig din itong tanong. kapag naka bangga ka ng taong tumatawid sa ilalim ng pedestrian overpass, kasalanan ng driver?

    based sa mga unang sagot. OO.
    Basically di sila hawig..kz ito nasa tollway ka....nagbabayad ka.... kaya dapat safety and secure ka. db parekoy?

  9. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    7,186
    #9
    Quote Originally Posted by rensom View Post
    Basically di sila hawig..kz ito nasa tollway ka....nagbabayad ka.... kaya dapat safety and secure ka. db parekoy?
    Ang point ko lang ay dapat walang tao. dapat walang tao sa toll way, walang taong tumatawid sa ilalim ng pedestrian over pass.

    dapt sa tamang tawiran lang.

  10. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #10
    Quote Originally Posted by rensom View Post
    Basically di sila hawig..kz ito nasa tollway ka....nagbabayad ka.... kaya dapat safety and secure ka. db parekoy?

    Sir ingat, baka makita ka ni sir ghosthunter.

    Anyways BTT:

    Exception: kung nakabangga ka sa squatter's area, mas mabuting huwag kang tumigil sa lugar na yun... duon ka sumuko sa pinakamalapit na Police station. May kakilala kaming nakabundol ng bata sa squatters, huminto na siya para itakbo ang bata sa ospital. Kaso, maraming tambay ang nakisawsaw. Ninakawan siya at nasaksak pa. Buti at nabuhay pa siya.
    Maganda naman ginawa ng kakilala mo, hindi niya ito tinakbuhan, iba malamang ang tumatakbo sa isip niya sa mga oras na iyon, ang tulungan ang bata para mabuhay at hindi tumakbo. Kaya lang since squatters area nga iyon hindi naman din natin maiiwasan na may makisawsaw diyan, kumbaga tulong tulong diyan. Pero nagsumbong ba kaibigan mo sa pulis after that incident?

Page 1 of 2 12 LastLast
Kung makabangga ka ng tao sa tollway?