New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

View Poll Results: Senate's verdict on CJ

Voters
69. You may not vote on this poll
  • Guilty!

    58 84.06%
  • Not Guilty

    9 13.04%
  • i couldn't care less

    2 2.90%
Page 27 of 106 FirstFirst ... 172324252627282930313777 ... LastLast
Results 521 to 540 of 4211

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,189
    #1
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    Wow! Naglabas na rin Si corona ng strongly worded statement..

    Major points are he is challenging Penot to open his bank accts, SALN and explain the entries to all at pati yun psychiatric test niya na lumabas nun election explain din daw niya...

    If I'm Penot he should answer for the last time and accept the challenge ilabas nila ng sabay ni corona lahat ng bank accounts nila..para umiikli na proceeding
    Eto yung statement is full...

    Tugon ng Punong Mahistrado sa Talumpati ng Pangulo sa La Consolacion College tungkol sa Impeachment Proceedings (ika-17 ng Pebrero, 2012)

    Ako po ay nananawagan sa ating pangulo na huwag pakialaman, pangunahan at impluwensiyahan ang Senate Impeachment Court. Mayroon pong proseso ang impeachment proceedings, at iyan po ay nakasaad sa ating Saligang Batas at sa mga alituntunin at kalakaran sa Senado. Hindi po ba’t kayo ang pumili ng hakbang na ito at nagdulog nito sa Senado? Huwag po natin ilayo ang usapin sa proseso ng Impeachment Court at idaan sa media ang paghusga sa akin. Pabayaan po nating umusad ang kaso nang ayon sa batas at sa proseso nito. Gaya po ng una ninyong nasabi, higit na makabubuti kung kayo po ay “magmasid at manahimik muna.”

    Doon po sa mga nabanggit ninyong “tila ba sadya tayong hinihilo o inililigaw para mawalan ng interes,” wala po tayong dapat sisihin diyan kung hindi ang inyong mga taga-usig na siyang naglabas ng huwad na listahan ng aking mga ari-arian, naglathala ng aking sahod upang ipakita na wala akong kakayahang bumili, nguni’t hindi naman isinama ang pangkalahatang sitwasyon, at nitong huli, nagharap ng mga palsipikadong dokumento ng bangko. Sino po ba ang talagang nanlilinlang ng taong bayan?

    Bilang pangulo ng bayan, hindi po ninyo kailangang “liwanagin ang dapat liwanagin, at ituwid ang isyung pilit dinidiskaril ng ilan.” Tungkulin po iyan ng Senate Impeachment Court. Ang tungkulin po ninyo ay hanapan ng lunas ang lumalalang kahirapan at pagkagutom ng marami nating mamamayan, walang humpay na pagtaas ng presyo ng gasolina at ng ibang pangunahing bilihin, patuloy na demolisyon ng tirahan ng mga maralita, at mabagal na tugon sa mga nasalanta ng kalamidad dala ng kapabayaan sa kalikasan. Itong mga ito po ang dapat ninyong pagtuunan ng pansin.

    Bakit po ninyo tinuturuan ang kabataan na maghusga na hindi alam ang buong katotohanan, na iisang panig pa lang ang nadidinig? Ganito po bang “hustisya” at “fair play” ang tinuturo ninyo sa kabataan? Bigyan ninyo po ako ng pagkakataon na magbigay ng aking panig, magharap ng aking ebidensiya, sagutin ang inyong mga walang basehang paratang, at ilahad ang katotohanan. Ito po ang tunay na katarungan at ang naaayon sa ating Saligang Batas.

    Kung kayo po ay nababagalan na sa pag-usad ng kasong isinampa ninyo laban sa akin, ang solusyon ay nasa kamay ng inyong mga taga-usig.

    Ako po ay naglabas na ng aking SALN. Hindi ko po ito itinatago. Ang hindi po paglathala nito ay ayon sa nabuong patakaran ng Korte Suprema dalawang dekada na ang nakalipas, hindi pa po ako mahistrado. Ang SALN ko po ay aking ipaliliwanag pagdating ng aking oras o pagkakataon, ayon sa proseso ng impeachment proceedings. Marahil, higit na makabubuti kung ilabas na rin ninyo, Ginoong Pangulo, ang inyong SALN, at ipaliwanag ito sa taong-bayan. Siguro, isama ninyo na rin ang inyong bank accounts at psychological records na matagal ng isyu. Mayroon po tayong obligasyon na ipakita sa taong-bayan na maayos ang ating pagiisip.

    Hinggil po doon sa nabanggit ninyong kaso na Rabe v. Flores, na kung saan ang isang court interpreter ay natanggal sa serbisyo, dapat po sigurong maipaliwanag sa inyong mabuti ng inyong mga magagaling na abogado na si Bb. Flores ay natanggal sa serbisyo hindi lamang dahil sa hindi niya dineklara sa kanyang SALN ang kanyang paupahan. Si Bb. Flores po ay natanggal dahil sa pangunahing dahilan na tumanggap po siya ng “double compensation” o sahod ng dalawang beses, isa galing sa bayan ng Panabo, Davao, at yung isa mula sa korte.

    Sang-ayon po ako sa inyo na dapat hindi na payagang “magpatuloy ang sistema kung saan may nanlalamang at nilalamanagan.” Nasa mga 20 po lamang ang aking mga tagapagtanggol na nagseserbisyo ng libre, laban sa 188 congressmen at humigit kumulang na 60 private prosecutors, lahat sumasahod sa kaban ng bayan. Ito po ba ay tama? Idagdag pa po natin diyan ang BIR at LTO Commissioners, LRA Administrator, Registers of Deeds, BID Commissioner, at marami pang ibang opisyal at kawani ng pamahalaan na inuutusan upang hanapan ako at ang aking buong pamilya ng mga kamalian.

    Ginagamit na po ninyo ang buong puwersa ng gobyerno upang ako at ang aking buong pamilya ay apihin at pagmalupitan. Ito po ba ang patas na laban? At matuwid na daan?

    Nananawagan din po ako sa taong-bayan. Kontrolado po ng ating pangulo ang buong Executive Department. Kontrolado rin po niya ang House of Representatives. Huwag po nating payagan na mahawakan pa niya ang Senado. Huwag po tayong pumayag na posasan niya ang Korte Suprema at buong hudikatura. Ito po ay para sa ating demokrasya. Ito po ay para sa ating lahat.

  2. Join Date
    May 2004
    Posts
    3,221
    #2
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    Wow! Naglabas na rin Si corona ng strongly worded statement..

    Major points are he is challenging Penot to open his bank accts, SALN and explain the entries to all at pati yun psychiatric test niya na lumabas nun election explain din daw niya...

    If I'm Penot he should answer for the last time and accept the challenge ilabas nila ng sabay ni corona lahat ng bank accounts nila..para umiikli na proceeding
    nasa news kanina si mareng winnie tinitingnan yung saln nya. 2.5M lang yata nakadeclare dun sa house sa time street. syempre todo depensa si Vitton este Valte. heheheh

    di naman nya tinitira si PNoy. ang point nya is lahat yun gawain kasi wala naninita. wonder kay Binay pababa e for sure gulo to. si Pichay nga ng minority sa crocgress pati nasa mayorya umaanga sa bagong SALN hahahhaha

  3. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829

  4. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #4
    at the end of the impeachment trial.. only the numbers count.... and you know what...

    so far I THINK WE got the numbers, BECAUSE OF ONE BRILLIANT PERSON....... SABI NYO nga this is not a criminal proceeding.... political exercise po ito... THIS IS MY OWN PERSONAL OPINION PO...

    id go for the acquittal of CJ... HULA KO LANG YAN...

    KAYO?

  5. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    25,276
    #5
    Quote Originally Posted by glenn manikis View Post

    Sibak yan si CJ!
    Fasten your seatbelt! Or else... Driven To Thrill!

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,872
    #6
    ^ I'd BET on CONVICTION. . BTW, isn't it too early to claim acquittal considering the defense hasn't satisfactorily explained why Corona didn't include the millions in his bank accounts in his SALN?
    Last edited by Altis6453; February 18th, 2012 at 09:41 AM.

  7. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #7
    Quote Originally Posted by Altis6453 View Post
    ^ I'd BET on CONVICTION. . BTW, isn't it too early to claim acquittal considering the defense hasn't satisfactorily explained why Corona didn't include the millions in his bank accounts in his SALN?
    wait lang po.. at may MALAKAS pong defensa dyan si CJ...

    alam nyo po bang ni walang pag alala si CJ AT ang defense team... walang kwenta po lahat ng ibinabato sa kanya ng prosecution...

    lahat yan ay sasagutin sa depensa.... DEFENSE.... DEFENSE....

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,189
    #8
    Why is everyone telling/demanding CJ to explain his side when its not yet his turn to do so? Ang kuuuulliiittt! Di pa nga tapos yung prosecution sa fishing/presentation ng evidence kuno. sa article 2.. Tama si Monsod, don't blame the defense for the FAIL of this admistration/prosecution and the meddling of the Senator Judges.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #9
    Quote Originally Posted by Monseratto
    Why is everyone telling/demanding CJ to explain his side when its not yet his turn to do so? Ang kuuuulliiittt! Di pa nga tapos yung prosecution sa fishing/presentation ng evidence kuno. sa article 2.. Tama si Monsod, don't blame the defense for the FAIL of this admistration/prosecution and the meddling of the Senator Judges.
    Cuz it's now a fight in the media, kung ganun din why did he asked Penot to explain his SALN eh hinde naman siya ang naka impeach ngayon?

  10. Join Date
    May 2004
    Posts
    3,221
    #10
    Pnoy ang corona are only having a media war thats all.

    on regards to MOnsod's observation, very very accurate.:D

    especially on the observation regarding the impeachment of clinton.:D

  11. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #11
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    Cuz it's now a fight in the media, kung ganun din why did he asked Penot to explain his SALN eh hinde naman siya ang naka impeach ngayon?
    bakit? kasi po hindi dapat nakekeelam si pnoy... BAKIT pros. ba cya? o conggressman? he should never meddle in the affairs of anything that is outside the executive department.... ganyan klase ang presidente natin...PAKIelamero.... kasi tinatamaan ang libolibo lupain na kinamkam nila... thats why....

  12. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #12
    Quote Originally Posted by Monseratto View Post
    Why is everyone telling/demanding CJ to explain his side when its not yet his turn to do so? Ang kuuuulliiittt! Di pa nga tapos yung prosecution sa fishing/presentation ng evidence kuno. sa article 2.. Tama si Monsod, don't blame the defense for the FAIL of this admistration/prosecution and the meddling of the Senator Judges.
    Medling kamo ayon kay tatad at maceda?

    Ano bang fishing expedition sinasabi mo? Exact bank account numbers ang pina subpoena ng prosecution. Which were proven to be true.

    Pano naman yung takbo ng takbo ni Corona sa SC? Medling ba sa impeachment yun?

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #13
    yun doctrine na "fruit from the poison tree" hinde daw applicable sa impeachment court.

  14. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,513
    #14
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    yun doctrine na "fruit from the poison tree" hinde daw applicable sa impeachment court.
    hindi daw? ang nagsasabi lang nyan eh ang mga pumapanig sa prosecution....

    may constitution po tayo... SAKOP PO NG CONStitution ang impeachment court.....

  15. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #15
    Quote Originally Posted by glenn manikis View Post
    hindi daw? ang nagsasabi lang nyan eh ang mga pumapanig sa prosecution....

    may constitution po tayo... SAKOP PO NG CONStitution ang impeachment court.....
    Ang mabasura na lang ang bank documents ng defense. Hindi criminal case ang dinidinig ng impeachment court, palibhasa madaling maka lusot ang defense dyan.

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #16
    Wow! Show of force today from the house of representathieves!!!

  17. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #17
    arte magsalita nitong si tiongson.
    tinatagalog na ni enrile....ingles pa rin ng ingles.

    tagalugin na rin nya.......

  18. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #18
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    Wow! Show of force today from the house of representathieves!!!
    May threat na kasi from defense eh.

  19. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,189
    #19
    Brenda: "Do not be afraid of me"...Bwahaha!

  20. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,189
    #20
    Did the prosecution's copies of the signature card come from BSP and AMLA? Bakit ayaw aminin na lang agad? Or galing sa utos ng Malacanang?

Impeachment against CJ Corona..