New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



View Poll Results: Senate's verdict on CJ

Voters
69. You may not vote on this poll
  • Guilty!

    58 84.06%
  • Not Guilty

    9 13.04%
  • i couldn't care less

    2 2.90%
Page 172 of 421 FirstFirst ... 72122162168169170171172173174175176182222272 ... LastLast
Results 1,711 to 1,720 of 4205
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    22,967
    #1711
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    Wow! Naglabas na rin Si corona ng strongly worded statement..

    Major points are he is challenging Penot to open his bank accts, SALN and explain the entries to all at pati yun psychiatric test niya na lumabas nun election explain din daw niya...

    If I'm Penot he should answer for the last time and accept the challenge ilabas nila ng sabay ni corona lahat ng bank accounts nila..para umiikli na proceeding
    Eto yung statement is full...

    Tugon ng Punong Mahistrado sa Talumpati ng Pangulo sa La Consolacion College tungkol sa Impeachment Proceedings (ika-17 ng Pebrero, 2012)

    Ako po ay nananawagan sa ating pangulo na huwag pakialaman, pangunahan at impluwensiyahan ang Senate Impeachment Court. Mayroon pong proseso ang impeachment proceedings, at iyan po ay nakasaad sa ating Saligang Batas at sa mga alituntunin at kalakaran sa Senado. Hindi po ba’t kayo ang pumili ng hakbang na ito at nagdulog nito sa Senado? Huwag po natin ilayo ang usapin sa proseso ng Impeachment Court at idaan sa media ang paghusga sa akin. Pabayaan po nating umusad ang kaso nang ayon sa batas at sa proseso nito. Gaya po ng una ninyong nasabi, higit na makabubuti kung kayo po ay “magmasid at manahimik muna.”

    Doon po sa mga nabanggit ninyong “tila ba sadya tayong hinihilo o inililigaw para mawalan ng interes,” wala po tayong dapat sisihin diyan kung hindi ang inyong mga taga-usig na siyang naglabas ng huwad na listahan ng aking mga ari-arian, naglathala ng aking sahod upang ipakita na wala akong kakayahang bumili, nguni’t hindi naman isinama ang pangkalahatang sitwasyon, at nitong huli, nagharap ng mga palsipikadong dokumento ng bangko. Sino po ba ang talagang nanlilinlang ng taong bayan?

    Bilang pangulo ng bayan, hindi po ninyo kailangang “liwanagin ang dapat liwanagin, at ituwid ang isyung pilit dinidiskaril ng ilan.” Tungkulin po iyan ng Senate Impeachment Court. Ang tungkulin po ninyo ay hanapan ng lunas ang lumalalang kahirapan at pagkagutom ng marami nating mamamayan, walang humpay na pagtaas ng presyo ng gasolina at ng ibang pangunahing bilihin, patuloy na demolisyon ng tirahan ng mga maralita, at mabagal na tugon sa mga nasalanta ng kalamidad dala ng kapabayaan sa kalikasan. Itong mga ito po ang dapat ninyong pagtuunan ng pansin.

    Bakit po ninyo tinuturuan ang kabataan na maghusga na hindi alam ang buong katotohanan, na iisang panig pa lang ang nadidinig? Ganito po bang “hustisya” at “fair play” ang tinuturo ninyo sa kabataan? Bigyan ninyo po ako ng pagkakataon na magbigay ng aking panig, magharap ng aking ebidensiya, sagutin ang inyong mga walang basehang paratang, at ilahad ang katotohanan. Ito po ang tunay na katarungan at ang naaayon sa ating Saligang Batas.

    Kung kayo po ay nababagalan na sa pag-usad ng kasong isinampa ninyo laban sa akin, ang solusyon ay nasa kamay ng inyong mga taga-usig.

    Ako po ay naglabas na ng aking SALN. Hindi ko po ito itinatago. Ang hindi po paglathala nito ay ayon sa nabuong patakaran ng Korte Suprema dalawang dekada na ang nakalipas, hindi pa po ako mahistrado. Ang SALN ko po ay aking ipaliliwanag pagdating ng aking oras o pagkakataon, ayon sa proseso ng impeachment proceedings. Marahil, higit na makabubuti kung ilabas na rin ninyo, Ginoong Pangulo, ang inyong SALN, at ipaliwanag ito sa taong-bayan. Siguro, isama ninyo na rin ang inyong bank accounts at psychological records na matagal ng isyu. Mayroon po tayong obligasyon na ipakita sa taong-bayan na maayos ang ating pagiisip.

    Hinggil po doon sa nabanggit ninyong kaso na Rabe v. Flores, na kung saan ang isang court interpreter ay natanggal sa serbisyo, dapat po sigurong maipaliwanag sa inyong mabuti ng inyong mga magagaling na abogado na si Bb. Flores ay natanggal sa serbisyo hindi lamang dahil sa hindi niya dineklara sa kanyang SALN ang kanyang paupahan. Si Bb. Flores po ay natanggal dahil sa pangunahing dahilan na tumanggap po siya ng “double compensation” o sahod ng dalawang beses, isa galing sa bayan ng Panabo, Davao, at yung isa mula sa korte.

    Sang-ayon po ako sa inyo na dapat hindi na payagang “magpatuloy ang sistema kung saan may nanlalamang at nilalamanagan.” Nasa mga 20 po lamang ang aking mga tagapagtanggol na nagseserbisyo ng libre, laban sa 188 congressmen at humigit kumulang na 60 private prosecutors, lahat sumasahod sa kaban ng bayan. Ito po ba ay tama? Idagdag pa po natin diyan ang BIR at LTO Commissioners, LRA Administrator, Registers of Deeds, BID Commissioner, at marami pang ibang opisyal at kawani ng pamahalaan na inuutusan upang hanapan ako at ang aking buong pamilya ng mga kamalian.

    Ginagamit na po ninyo ang buong puwersa ng gobyerno upang ako at ang aking buong pamilya ay apihin at pagmalupitan. Ito po ba ang patas na laban? At matuwid na daan?

    Nananawagan din po ako sa taong-bayan. Kontrolado po ng ating pangulo ang buong Executive Department. Kontrolado rin po niya ang House of Representatives. Huwag po nating payagan na mahawakan pa niya ang Senado. Huwag po tayong pumayag na posasan niya ang Korte Suprema at buong hudikatura. Ito po ay para sa ating demokrasya. Ito po ay para sa ating lahat.

  2. Join Date
    May 2004
    Posts
    3,221
    #1712
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    Wow! Naglabas na rin Si corona ng strongly worded statement..

    Major points are he is challenging Penot to open his bank accts, SALN and explain the entries to all at pati yun psychiatric test niya na lumabas nun election explain din daw niya...

    If I'm Penot he should answer for the last time and accept the challenge ilabas nila ng sabay ni corona lahat ng bank accounts nila..para umiikli na proceeding
    nasa news kanina si mareng winnie tinitingnan yung saln nya. 2.5M lang yata nakadeclare dun sa house sa time street. syempre todo depensa si Vitton este Valte. heheheh

    di naman nya tinitira si PNoy. ang point nya is lahat yun gawain kasi wala naninita. wonder kay Binay pababa e for sure gulo to. si Pichay nga ng minority sa crocgress pati nasa mayorya umaanga sa bagong SALN hahahhaha

  3. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,828

  4. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,509
    #1714
    at the end of the impeachment trial.. only the numbers count.... and you know what...

    so far I THINK WE got the numbers, BECAUSE OF ONE BRILLIANT PERSON....... SABI NYO nga this is not a criminal proceeding.... political exercise po ito... THIS IS MY OWN PERSONAL OPINION PO...

    id go for the acquittal of CJ... HULA KO LANG YAN...

    KAYO?

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,872
    #1715
    ^ I'd BET on CONVICTION. . BTW, isn't it too early to claim acquittal considering the defense hasn't satisfactorily explained why Corona didn't include the millions in his bank accounts in his SALN?
    Last edited by Altis6453; February 18th, 2012 at 09:41 AM.

  6. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    22,342
    #1716
    Quote Originally Posted by glenn manikis View Post
    at the end of the impeachment trial.. only the numbers count.... and you know what...

    so far I THINK WE got the numbers, BECAUSE OF ONE BRILLIANT PERSON....... SABI NYO nga this is not a criminal proceeding.... political exercise po ito... THIS IS MY OWN PERSONAL OPINION PO...

    id go for the acquittal of CJ... HULA KO LANG YAN...

    KAYO?
    Sibak yan si CJ!

  7. Join Date
    May 2004
    Posts
    3,221
    #1717
    i already said conviction ang pusta ko sa kaibigan ko. sya ay sa isang top notch lawyer din nagdepend ng acquital. ang tanong lang pano kung censure lang(which highly doubtful).

    why? i'll go with Maceda's initial observation(even before the start of impeachment). conviction needs only two swing votes (14 na sure ang conviction). kung hindi man masunod yung original 14, i am sure tataas pa swing votes just like what happened dun sa boto ni Leon Guerrero. going with probability and statistics. :D

  8. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,509
    #1718
    Quote Originally Posted by Ry_Tower View Post
    Sibak yan si CJ!
    i dont think so... CJ got a VERY STRONG defense... NOT ONLY that... we also got the numbers and the support of?

    meron na palang bagong PROSECUTOR si President Prosecutor PNoy kookoo Aquino.... magaling yan... bumagsak nga lang sa psychological test.... runs in the family kasi....

    l

  9. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    4,509
    #1719
    Quote Originally Posted by Altis6453 View Post
    ^ I'd BET on CONVICTION. . BTW, isn't it too early to claim acquittal considering the defense hasn't satisfactorily explained why Corona didn't include the millions in his bank accounts in his SALN?
    wait lang po.. at may MALAKAS pong defensa dyan si CJ...

    alam nyo po bang ni walang pag alala si CJ AT ang defense team... walang kwenta po lahat ng ibinabato sa kanya ng prosecution...

    lahat yan ay sasagutin sa depensa.... DEFENSE.... DEFENSE....

  10. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    22,342
    #1720
    Quote Originally Posted by glenn manikis View Post
    i dont think so... CJ got a VERY STRONG defense... NOT ONLY that... we also got the numbers and the support of?

    meron na palang bagong PROSECUTOR si President Prosecutor PNoy kookoo Aquino.... magaling yan... bumagsak nga lang sa psychological test.... runs in the family kasi....

    l
    You're guess is as good as mine!

    HINDI naman ikaw magdedecide eh. Ano ba yan?!?

Impeachment against CJ Corona..