
Originally Posted by
isketi
Here are some more things that have been playing in mind:
1) Pag namatay ba tayo, kung ano ang edad natin dito sa mundo nung mamatay tayo e yun din ang edad natin sa kabilang buhay? So kunyari mamatay ang isang teenager, pagdating ba niya kung san man ay teenager pa rin siya? Kung may 80 year old naman na mamatay of old age, matanda rin ba siya sa afterlife?
2) In connection to #1, pano pag nagkita-kita ang mga magkakamag-anak sa langit tapos lahat sila halos magkakaedad na? Example: nagkita kami ng lolo ko, tatay ko tapos ako pero lahat kami gurang, di ba awkward yun?
3) Kung may diperensiya yung tao (pilay, quadreplegic, putol ang braso/hita, bulag, baliw, kalbo), "marerepair" ba yun pag namatay siya?
4) Irereplay ba sa tin ang mga huling sandali natin sa lupa? Kunyari, nagpaopera ako tapos somehow may aberya during the operation at namatay ako nang di inaasahan, siyempre pag gising ko mashashock na lang ako at either si San Pedro o si Satanas na ang kaharap ko.