New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 39

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #1
    GMA dumausdos sa World's top 100 powerful women


    Mula sa dating ikaapat na puwesto sa talaan ng "100 Most Powerful Women of the World" noong nakaraang taon, bumulusok sa ika-45 na puwesto si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ngayong taon.

    Ang naturang listahan ng pinakamakapangyarihang kababaihan sa mundo ay base sa resulta ng pandaigdigang pananaliksik (international survey) ng US-based Forbes magazine.

    Ngunit sa halip na madismaya, positibo pa ring tinanggap ng Malacaņang ang naturang ulat. Ayon kay Executive Sec. Eduardo Ermita, ang mahalaga ay nakapaloob pa rin sa top 100 powerful women ng mundo ang Pangulo at tunay umanong isang malaking karangalan ang mapahanay sa kahanga-hangang kababaihang ito.

    "Hindi natin makokontrol ang isang pribadong grupo tulad ng Forbes magazine pero tayo ay nagpapasalamat sa kanilang survey," ani Ermita.

    Ikinatuwa rin umano ng Pangulo ang patuloy na pagkakahanay sa naturang talaan.

    Naniniwala si Ermita na ang matagumpay na pagsupil sa mga destabilisasyon at pagpapanumbalik ng political stability ng Pilipinas ang naging pangunahing kuwalipikasyon ng Pangulo para mapabilang sa nasabing world list.

    Ipinagmalaki rin ni Press Sec. Ignacio Bunye na kahit bumaba ang ranking ni Arroyo sa naturang survey ay nakakataas pa rin ito kina Queen Elizabeth II ng Britanya at Nobel Peace Laurete Aung San Suu Kyi ng Myanmar na nasa ika-46 at 47 na puwesto, ayon sa pagkakasunod. Nanguna sa listahan ngayong taon si German Chancellor Angela Merkel.

  2. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,346
    #2
    hehehehe... akala ko tinablan na ng hiya kaya bumaba sa pwesto

  3. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #3
    Quote Originally Posted by Gumusut_Amige View Post
    hehehehe... akala ko tinablan na ng hiya kaya bumaba sa pwesto

    Kaya?

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #4
    sa kapal ng mukha nyang si gma, kung malagay siya sa world's most unpopular o sa world's best cheats makakahanap pa din ng reason yan para magmalaki na nasa listahan siya.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #5
    asa pa....

  6. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #6
    Dapat maging magalang tayo:

    GMA . . bumaba ho.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #7
    Quote Originally Posted by j_avonni View Post
    Dapat maging magalang tayo:

    GMA . . bumaba ho.
    and bantot yata

  8. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,632
    #8
    hehehehe... akala ko tinablan na ng hiya kaya bumaba sa pwesto
    I AM SORRY...





    :charing:

  9. #9
    Quote Originally Posted by BoEinG_747;633125"
    Hindi natin makokontrol ang isang pribadong grupo tulad ng Forbes magazine pero tayo ay nagpapasalamat sa kanilang survey," ani Ermita.
    may balak pa atang controlin nila ang resulta a!

    honestly, i dont understand why brag so much this. advertisment nila? these will make you think the goverment, ours in particular like to brag about things done....sa lansangan lang:

    [SIZE="4"]
    "another project..... thru... by..."
    [/SIZE]


    hay....para bang sariling pera nila ginagastos nila....
    Last edited by alwayz_yummy; September 6th, 2006 at 11:12 AM.

  10. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,346
    #10
    Quote Originally Posted by alwayz_yummy View Post
    honestly, i dont understand why brag so much this. advertisment nila? these will make you think the goverment, ours in particular like to brag about things done....sa lansangan lang:
    [SIZE=4]
    "another project..... thru... by..."
    [/SIZE]

    hay....para bang sariling pera nila ginagastos nila....
    Naunahan mo ako dito ah... ito ang palaging kong sinasabi kay esmi pag napapadaan kami kahit sa isang common cleaning exercise lang sa mga major roads.Akala mo napakalaking progress na ang kanilang ginagawa. Ang nakakainis dito ay yung mga kalsadang mala sungkahan pero hindi ginagawan ng paraan.

  11. #11
    di lang yun: road projects, school building, ekek.. e diba TRABAHO NILA YON AT PERA NG TAONG BAYAN KINUKURA..... ay mali! ginagamit nila!

    parang pinapahiwatig nila na PERA NILA YON!

    sabihin na nating magaling sila, kung anu master at doctorate nila...pero di ako bilib sa kanila.. kasi they brag their work!

    wala talaga..kasalanan din ng pinoy yan. ang madaming mapapamigay na pera tuwing eleksyon/malakas ang kapit, siya panalo!

  12. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    354
    #12
    [SIZE="6"]NAPASAMA PA sa LISTAHAN????[/SIZE]:****:

  13. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    5,465
    #13
    Quote Originally Posted by jake1210 View Post
    [SIZE="6"]NAPASAMA PA sa LISTAHAN????[/SIZE]:****:
    hala!

  14. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,346
    #14
    Quote Originally Posted by alwayz_yummy View Post
    di lang yun: road projects, school building, ekek.. e diba TRABAHO NILA YON AT PERA NG TAONG BAYAN KINUKURA..... ay mali! ginagamit nila!
    parang pinapahiwatig nila na PERA NILA YON!
    maraming nagsasabing mga kwarenta porsiyento na lang ang talagang napupunta sa "kanilang proyekto". haayyyyy ang laking halaga ang napupunta sa "wala". kaya ang daming sub-standard projects na binibigay sa atin and after 2-3 years it needs again further rehabilitation using another budget.

  15. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #15
    sa tutuo lang hindi ako natutuwa sa mga politiko nag lalagay pa ng banner or karatula ng mga project nila sa daan ,

    ilagay sa tamang project ang pera.,alam na iyon ng mga nasa jurisdiction nila,dahil kung marami sila accomplishment cgurado mapupuna iyon ng mga tao at siempre alam na din ni LORD iyon ,kung naging maayos ka sa panunungkulan

    sabi nga nila"daanin mo sa GAWA,hindi sa puro NGAWA"

GMA ...bumaba