New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 24

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #1
    [SIZE=2]Tatlong bagitong miyembro ng Senado ang pumasok sa "Hall of Shame" ng kapulungan matapos manguna sa mga nakakahiyang nagawa sa kapulungan. Pasok sa kategoryang ito si Sen. Jamby Madrigal na may pinakamaraming absent at late sa third regular session ng 13th Congress na nagsimula noong Hulyo 2006 hanggang Hunyo 9 ng taong kasalukuyan. Kasama ni Madrigal sa tinaguriang may pinakamaraming ‘absent’ ay si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. Kapwa sila nakakuha ng 31 attendance, ngunit sa record ng late, mas marami umano ang senadora dahil 27 na beses umano itong nahuli sa isinasagawang sesyon, samantalang ang guwapitong senador ay na-late naman ng 19 na beses. Kung susumahin, halos mataas pa ang record ng pag-absent ni Madrigal dahil sa attendance nitong 37 ay 10 beses lamang siyang nakapasok nang walang aberya o late. Ang isa pang bagitong senador ay si Lito Lapid, ang itinuturing namang biyaherong miyembro ng kapulungan dahil sa naitala nitong pagliban sa 11 session days dahil sa "official mission" umano nito. Matapos matalo sa mayoralty race sa Makati City, nagbabakasyon pa rin hanggang ngayon sa Estados Unidos si Lapid.[/SIZE]


    [SIZE=2]Hay naku sayang lang ang pera ng taumbayan sa inyo!!!
    [/SIZE]



    [SIZE=2]LET THE BASHING BEGIN!!!!
    [/SIZE]

  2. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #2
    Kasi naman, bakit binoto pa yung 2 artista yan. Next time, dapat matuto na tayo, pagadating ng 2010, ilaglag na sila!

    Mas madalas pa yata si Bong Revilla sa Hokus Pokus kesa sa Senado!

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #3
    Si Lito Lapid? Aba, kahit naman 100% attendance sa Senado yan, wala namang silbi yang kumag na yan. Chairman siya ng "Silent Majority" di ba?

  4. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    1,266
    #4
    si Jamby busy kasi lagi nakikisayaw kay Joma (and his elks)..
    si Bong busy sa kanyang totoong 'career'. Mahirap kasi ang maging artista. Sak na yang senado..marami naman ng sira ulo don.
    Hindi pa nalibot ni Lito ang buong mundo..antayin nyo na lang. Siguro pag nangyari yon saka na talaga siya magtratrabaho sa senado..promise!

  5. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    9,720
    #5
    interesting....












    .... i always thought that the Senate was the Hall of Shame :D

  6. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    440
    #6
    ja ja ja jamby.dahil lang kay juday kaya nanalo yang giraffe na yan eh

  7. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #7
    Quote Originally Posted by badkuk View Post
    interesting....












    .... i always thought that the Senate was the Hall of Shame :D
    IMO,- hindi lahat. Kaso nga, halos lahat ay bugok na itlog,- kaya ganoon na nga... Ang gulo!

    3101:transform:

  8. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    311
    #8
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    Si Lito Lapid? Aba, kahit naman 100% attendance sa Senado yan, wala namang silbi yang kumag na yan. Chairman siya ng "Silent Majority" di ba?

    Hahaha! ang kulet, "Silent Majority" pala ha?

  9. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    44
    #9
    di masyadong nagpapasok si Sen Jamby sa Senado, kasi baka paiyakin na naman sya ni Sen Enrile...kaya sa kalsada na lang sya madalas umattend ng sesyon lalo na sa Makati

  10. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    157
    #10
    Quote Originally Posted by mayana View Post
    Hahaha! ang kulet, "Silent Majority" pala ha?
    In other words, Chairman ng "Committee on Silence"

  11. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #11
    ala bang rule na pag incompetent ang tongressman, mali congressman pala at senador or any public officials e dapat tanggalin?say sa case ng tatlong magigiting na senador, laging absent at late, diba pwede tanggalin para dina tularan?

  12. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #12
    Ang isa pang bagitong senador ay si Lito Lapid, ang itinuturing namang biyaherong miyembro ng kapulungan dahil sa naitala nitong pagliban sa 11 session days dahil sa "official mission" umano nito. Matapos matalo sa mayoralty race sa Makati City, nagbabakasyon pa rin hanggang ngayon sa Estados Unidos si Lapid.



    Langya..........hanggang ngayon, nasa Tate pa si Leon Guerrero? Sumama talaga loob ano. Matindi ang pagkakapahiya nila kasi, pati anak talo sa Pampanga.

    Pero dapat umuwi na siya. Mahihirapan siya ro'n. Ingles ang labanan doon.

  13. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    681
    #13
    sana saging din si lito lapid, dahil ang anak nyang si mark ay isang saging. dahil sa lahat ng puno sa gubat "saging lang ang puso! saging lang!"

    kahiya naman sila. sa opis nga eh, 3 late at madalas na absent eh sibak na eh. tsugi narin dapat mga yan. hindi mall ang senado na kung kelan mo gusto pumunta tsaka ka lang pupunta. grrr! di na nga ako bumoto eh, nanalo parin mga yan!

  14. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    456
    #14
    Quote Originally Posted by jundogg View Post
    sana saging din si lito lapid, dahil ang anak nyang si mark ay isang saging. dahil sa lahat ng puno sa gubat "saging lang ang puso! saging lang!"

    kahiya naman sila. sa opis nga eh, 3 late at madalas na absent eh sibak na eh. tsugi narin dapat mga yan. hindi mall ang senado na kung kelan mo gusto pumunta tsaka ka lang pupunta. grrr! di na nga ako bumoto eh, nanalo parin mga yan!
    i take offense at this.. i strongly believe that he deserves an acting award for this...

    http://www.youtube.com/watch?v=BffCNt_3r2o

    http://www.youtube.com/watch?v=-j-4p-DmNFc

    you don't know how to appreciate true artistry...

  15. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    636
    #15
    eto yung biography ni Jamby sa senate website. i-click na lang ninyo yung kina Bong at Lito.

    http://www.senate.gov.ph/senators/se...drigal_bio.asp

    pansin ko lang, buti pa nga si Jamby ay me ipinasok na mga bills at si Bong naman me natanggap na civilian awards para sa anti-drug campaigns.

    si Lito, dahil walang mailagay na accomplishments, inilista na lang niya ang mga movies na nagawa niya...anak ng teteng talaga oh...
    Last edited by lolo pepe; July 28th, 2007 at 06:03 AM. Reason: me idinagdag

  16. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #16
    Quote Originally Posted by lolo pepe View Post
    si Lito, dahil walang mailagay na accomplishments, inilista na lang niya ang mga movies na nagawa niya...anak ng teteng talaga oh...
    bobo talaga.........