New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 24
  1. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #1
    [SIZE=2]Tatlong bagitong miyembro ng Senado ang pumasok sa "Hall of Shame" ng kapulungan matapos manguna sa mga nakakahiyang nagawa sa kapulungan. Pasok sa kategoryang ito si Sen. Jamby Madrigal na may pinakamaraming absent at late sa third regular session ng 13th Congress na nagsimula noong Hulyo 2006 hanggang Hunyo 9 ng taong kasalukuyan. Kasama ni Madrigal sa tinaguriang may pinakamaraming ‘absent’ ay si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. Kapwa sila nakakuha ng 31 attendance, ngunit sa record ng late, mas marami umano ang senadora dahil 27 na beses umano itong nahuli sa isinasagawang sesyon, samantalang ang guwapitong senador ay na-late naman ng 19 na beses. Kung susumahin, halos mataas pa ang record ng pag-absent ni Madrigal dahil sa attendance nitong 37 ay 10 beses lamang siyang nakapasok nang walang aberya o late. Ang isa pang bagitong senador ay si Lito Lapid, ang itinuturing namang biyaherong miyembro ng kapulungan dahil sa naitala nitong pagliban sa 11 session days dahil sa "official mission" umano nito. Matapos matalo sa mayoralty race sa Makati City, nagbabakasyon pa rin hanggang ngayon sa Estados Unidos si Lapid.[/SIZE]


    [SIZE=2]Hay naku sayang lang ang pera ng taumbayan sa inyo!!!
    [/SIZE]



    [SIZE=2]LET THE BASHING BEGIN!!!!
    [/SIZE]

  2. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,976
    #2
    Kasi naman, bakit binoto pa yung 2 artista yan. Next time, dapat matuto na tayo, pagadating ng 2010, ilaglag na sila!

    Mas madalas pa yata si Bong Revilla sa Hokus Pokus kesa sa Senado!

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #3
    Si Lito Lapid? Aba, kahit naman 100% attendance sa Senado yan, wala namang silbi yang kumag na yan. Chairman siya ng "Silent Majority" di ba?

  4. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    1,266
    #4
    si Jamby busy kasi lagi nakikisayaw kay Joma (and his elks)..
    si Bong busy sa kanyang totoong 'career'. Mahirap kasi ang maging artista. Sak na yang senado..marami naman ng sira ulo don.
    Hindi pa nalibot ni Lito ang buong mundo..antayin nyo na lang. Siguro pag nangyari yon saka na talaga siya magtratrabaho sa senado..promise!

  5. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    9,720
    #5
    interesting....












    .... i always thought that the Senate was the Hall of Shame :D

  6. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    440
    #6
    ja ja ja jamby.dahil lang kay juday kaya nanalo yang giraffe na yan eh

  7. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    1,113
    #7
    ilan ba pasok sa Hall of Shame na yan? 24?

  8. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    311
    #8
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    Si Lito Lapid? Aba, kahit naman 100% attendance sa Senado yan, wala namang silbi yang kumag na yan. Chairman siya ng "Silent Majority" di ba?

    Hahaha! ang kulet, "Silent Majority" pala ha?

  9. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    44
    #9
    di masyadong nagpapasok si Sen Jamby sa Senado, kasi baka paiyakin na naman sya ni Sen Enrile...kaya sa kalsada na lang sya madalas umattend ng sesyon lalo na sa Makati

  10. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    157
    #10
    Quote Originally Posted by mayana View Post
    Hahaha! ang kulet, "Silent Majority" pala ha?
    In other words, Chairman ng "Committee on Silence"

Page 1 of 3 123 LastLast