New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 174

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    457
    #1
    heard this news kanina over at Joel Reyes Zobel's program on DZBB.

    the story goes: A congresswoman (her name slips my mind) from Marawi city went to the House's south lounge canteen to have an afternoon snack. She asked the food attendant if their pancit has pork in it. Assuring the honorable representative that the pancit is pork-free, she ordered at sa madaling salita, naubos nya yung "pancit" (brrrppp! ) only to find out from a fellow muslim congressman who also happened to be in the canteen that the said noodles has pork in it "daw".

    Naghurumentado na si congresswoman and bad-mouthed the girl. Nagmura pa nga on air while being interviewed sinampal, tinulak, nabuwal at pinagtatadyakan (as per the report) ang food supervisor with matching tutok ng bread knife to the poor girl.

    I understand the violation on her cultural belief pero tama ba yung ginawa nya dun sa babae assuming di naman sinasadya siguro.

    the girl is filing a case against the congresswoman. the congresswoman is also counter-filing a case against the girl........in marawi city. WTF! sa Luzon nangyari yung incident, e bat sa Mindanao sya maghahabla??? please enlighten me people, who deserves justice here?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #2
    Another example of banal na aso, santong kabayo.

    Yung isang Muslim congressman nakakain din nung pancit pero hindi naman nagwala. Nangyari na daw, eh. Ingat na lang next time.

    Yung isang Congressman naman sinabi pang buti ganun lang ang ginawa ni Congresswoman. Ang Muslim daw ay nakakapatay over those kind of things.

    Granting na may mali din ang canteen, I don't think its worth the fuss.

    Hay ewan ko ba. Pasalamat na lang siya at hindi t*e ang nakain niya.
    Last edited by OTEP; November 21st, 2006 at 11:59 PM.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  3. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    1,635
    #3
    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    Another example of banal na aso, santong kabayo.

    sakto talaga sa kanya e2.

    lets say mali nga na nakakain sya ng pork galing sa pansit, pero it is not grounds para gawin nya yun, congresswoman pa naman sya....

  4. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    918
    #4
    if that dumarpa creature is so concerned about what she is eating, then it's her responsibility to be vigilant about what she puts into her plate.

  5. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,049
    #5
    OA.

    Btw, medyo OT, diyan sa St. Luke's may !$*% congressman na biglang nanghablot ng ID ng isang nurse, at yung ID na iyon ay nasa bulsa sa chest area. Hindi umabot/dumaplis ang kamay niya, buti nalang.

    Clue: Pangit, butas butas ang mukha at walang pampagawa ng ngipin ang congressman na ito.

    Kapal ng mukha mo !%*^. Ganyan na nga ang hitsura mo, wala ka pang modo. Goodluck sa iyo. Gamitin mo nalang mga nakurakot mo para makakuha ng babae dahil for sure walang papatol sa iyo.

    Naalala ko lang.

  6. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #6
    siguro naman papatawarin sya ng dyos nya kung hindi naman niya sinadsya lunukin yun pork bits

  7. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    4,293
    #7
    Feeling dirty na daw siya.....OA ka bruha!!!

  8. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #8
    Mahirap pala pag nakakain is Congresswoman ng baboy, nagiging baboy din. She was what she ate!

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #9
    Masyado naman OA.

    Hindi naman intentional ang pagkain niya ng baboy eh.

    Plus, hindi pa nga proven if may baboy ba talaga yung pansit o wala.

  10. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    4,293
    #10
    mas gusto nya hotdog.

  11. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    605
    #11
    Quote Originally Posted by mazdamazda View Post
    Masyado naman OA.

    Hindi naman intentional ang pagkain niya ng baboy eh.

    Plus, hindi pa nga proven if may baboy ba talaga yung pansit o wala.

    korek..and even if may pork nga un, di naman intensyon ng food crew na pakainin sya ng pork..hehehe, medyo may negligence nga lang ung crew kasi dapat inalam nya muna ung ingredients..


    i remember one time, may friend ako na allergic sa shrimp..before sya umorder ng pansit, ask nya sa food attendant, "may shrimp ba yan? allergic kasi ako sa shrimp, eh.."..then sabi ng attendant, "wala po mam"..ayun after mga 5 mins, lumabas na mga pantal sa kanya..hehehe, ang ending, sisante ang attendant at pinadoctor sya ng may-ari..hehehe...


    sana next time, wag basta sasagot kung di sigurado..mabuti ng magtanong kesa mapahamak ka...tandaan, ang kabobohan/katangahan, pwede mo'ng ikamatay...hehehe...

  12. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    749
    #12
    i have met muslim indonesian pag me regional conference kami. they make sure that what they are eating is pork free. they ask our organizers and chef. it is their duty to make sure that what they are eating is in line with their belief. i also met a muslim indonesian na kumain ng pork. sinabi ko sa kanya, why are you eating pork? he said ok lang daw, kasi he's not in indonesia, nasa singapore sya.

  13. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    227
    #13
    tinanong naman daw niya ng ilang ulit kung may baboy nga o wala. ang sagot sa kaniya wala daw. sinabi na lang sa kaniya ng isang congressman na meron pala. malamang pakiramdam niya niloko siya. ilang nga sa atin dito magasgas lang ang kotse o masingitan lang o mailawaan ng high beam sa daan e mapapaaway na, tungkol sa relihiyon pa kaya. tsk. tsk. minsan po unawain naman natin ang mga kapatid nating mga muslim.

  14. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #14
    Bros., maaaring sa ating mga liberal-minded at free-spirited na tao ay OA ang dating ng Congresswoman na ito, pero hindi natin lubos na naiintindihan ang kanyang pananampalataya. Katoliko ako, pero maaring tama ang sinabi ng isang Congressman na nag-comment na sa ilang pagkakataon ay puwedeng pumatay dahil nga malaking violation ito ng kanilang relihiyon.

    Share ko lang ang experience namin,- noong ma-assign kami sa isang Muslim na bansa for 3-4 of months years ago, pinakain ng mga kasama ko sa trabaho ang aming houseboy ng pansit (din) na may baboy. Hindi niya ito alam. Simple lang ang houseboy namin,- napakabait, napakasipag at napakagalang na tao. Noong malaman niya pagkatapos kumain,- umiyak siya ng iyak na nakakaawa talaga,- para bang namatayan at sinundot niya ang kanyang lalamunan hanggang lumabas lahat ng kanyang kinain. Pagkatapos niyon ay tumahimik na lang siya. Mga Pare ko,- hindi siya OA o ma-arte,- simple lang siyang tao na may malalim na pananampalataya. Wala siyang magagawa rin, dahil kami ang mga amo niya sa bahay.... Kawawa talaga.

    Iginalang namin siya ng todo pagkatapos ng pangyayari,- at humingi ng patawad ang kasama kong nagpakain sa kanya ng pansit.

    Dapat talaga ay igalang natin ang isa't-isa, lalo na't relihiyon o pananampalataya ito....

    PEACE!

    :starwars:

  15. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,848
    #15
    slow morning for me..

    okay, i don't get it. if there was pork she should have seen it WHILE eating it. Right?

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #16
    Quote Originally Posted by ts1n1ta View Post
    slow morning for me..

    okay, i don't get it. if there was pork she should have seen it WHILE eating it. Right?
    baka nasarapan sa paglamon at di na napansin

  17. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    1,266
    #17
    I don't know which is the greater 'sin' (if ever it is called one) : Unintentionally violating the rules of your religion (God will not punish you for that!) or hurting someone who unintentionally did you any wrong? The one who served that food might be diligently paying his/her taxes (sometimes to the point na wala ng natira sa sahod niya) and these taxes goes to the salary of that Congresswoman. Tapos ganon pa aabutin niya. Sana pinatawad na lang niya yung food server. It would have brought her close to God.

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #18
    Kaya lang yung isang Muslim na Congressman (si Datumanong?) na nakakain din ng parehong pansit ng parehong araw ay hindi naman nagwala. Hindi naman daw kailangan.

    Pati nga siya nagulat sa nangyari, eh.
    Last edited by OTEP; November 22nd, 2006 at 10:09 AM.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  19. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    24
    #19
    Eh' di sana nde sya umorder ng pagkain ng kristiyano na may baboy......

  20. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #20
    babalik rin yan sa congresswoman ang ginawa nya

Page 1 of 2 12 LastLast
Congresswoman, nanampal!