New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 11 to 20 of 32
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #11
    in our old house we used to have a glass fish bowl filled with coins on top of the kitchen counter. pagka-uwi namin ng misis ko most of the coins in our pockets/coin purse go in there. pag need ng mga KB namin ng pambili ng suka, toyo, onion, garlic, etc. di na nila need humingi ng money dun na lang sila kumukuha. pati load nila sa cel phone dun na din hahahaha! ok lang naman sa amin ni misis yun, ano ba naman yung unli-text 15 daily. one time napuno siya, halos apaw na so dinala yun ni misis sa pnb, inabot sila ng half day bilangin yung coins. umabot din ng more than 10k nung first time and the second time almost 8k. kaso nagkaron kami ng KB na umabuso, napansin ni misis pa-konti ng pa-konti yung laman ng fish bowl e palagi naman walang toyo at suka sa kitchen. nagsumbong yung long time KB-yaya na lagi dumudukot dun yung new KB pag pumupuslit sa gabi makipagkita sa boypren. nahuli nga niya after, lalabas ng bahay sa gabi puno ng barya yung bulsa. pinaalis ni misis yung KB, may asawa yun e, kilala pa nya kasi tiga-kanila sa Negros Occ. e baka mabuntis kasalanan pa nya. after nun nilagay na ni misis yung fish bowl sa room namin. binibigyan na lang ni misis weekly budget yung long time KB-yaya namin ng pera pambili ng needs sa kusina, bahala na siya. tiwala naman na kami. nabasag na din last year, so ngayun lata na lang ng powdered milk.

    pag may long trips, dun galing pambayad ng toll sa nlex/sctex. kaya malas yung pipila sa likod ko na vehicle kasi tagal magbilang ng teller sa toll gate. pag sobrang dami na pati pang-full tank dun na din galing pero 2x ko pa lang ginawa. ang tagal kaya bilangin sa gas station pag pambayad mo ng full tank e barya

  2. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    12,363
    #12
    Sa kotse may lalagayan din ako ng coins, pag dumadami na yun 1 peso coin nabubwisit ako pinambabayad ko sa toll gate or parking.

    one time pinambayad ko sa tollgate sa balintawak. Binalaan ko na yun nasa teller na coins ibabayad ko, hindi sinalo ng maayos.

    mamiso na worth 45 pesos pa naman yun, sumabog sa daan. No choice siya, sabi sir ok na yun mamaya na lang pupulutin.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #13
    ginagawa ko din yan... doon ko kinukuha ang pang xmas namin sa bahay.

    pagkain at pambili nang regalo... 5 and 10 petot lang ang iniipon ko.

    last xmas naka 12k din ako. kaya solve na pang xmas namin

  4. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    2,053
    #14
    May coin bowl din kami, but we end up using mostly 1, 5 and 10php coins. Ang hirap i-manage ng < 1php denominations.
    Dati nag general cleaning ako at naka collect ako ng 200php++ worth in 5c, 10c and 25c coins. Yung iba doon nangingitim na.
    It was Christmas time back then. Nag attend na lang ako ng Midnight Mass at binigay ko doon sa offertory. Nilagay ko sa isang plastic container. Hehehe... akala ko mabubutas yung supot nung nangongolekta. Pero 200php++ din yon.

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #15
    Quote Originally Posted by ess View Post
    May coin bowl din kami, but we end up using mostly 1, 5 and 10php coins. Ang hirap i-manage ng < 1php denominations.
    Dati nag general cleaning ako at naka collect ako ng 200php++ worth in 5c, 10c and 25c coins. Yung iba doon nangingitim na.
    It was Christmas time back then. Nag attend na lang ako ng Midnight Mass at binigay ko doon sa offertory. Nilagay ko sa isang plastic container. Hehehe... akala ko mabubutas yung supot nung nangongolekta. Pero 200php++ din yon.
    siguro ang sama nang tingin syo nun.

  6. Join Date
    Aug 2012
    Posts
    519
    #16
    ugali ko din magiwan lagi ng 5 & 10 peso coins sa kotse. minsan nakakaipon ako ng 1k haha. basta pagsakay ko, lahat ng coins iwan sa loob ng kotse

  7. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    2,380
    #17
    pati pag-impok ng barya.. i do this annually. save all loose change i get from january to november, then by december meron na akong ipon around 4-8k pesos sometimes even more, pang gastos na di masakit sa loob or pandagdag pambili sa regalo for xmas.

    Magtatago ng barya, nais ipakulong at pagmultahin ng mambabatas | Ulat Filipino | GMA News Online


    Magtatago ng barya, nais ipakulong at pagmultahin ng mambabatas
    July 27, 2013 6:33pm
    9753 138 3 9904

    Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara de Representantes na naglalayong ipakulong at pagmultahan ang mga mahuhuling nagtatago ng mga barya.

    Sa House Bill 1662, o ang Anti-Hoarding of Philippine Legal Tender Coins Act of 2013, nais ni Iloilo Rep. Jerry Treñas, na patawan ng hanggang walong taong pagkakabilanggo at multang hindi bababa sa P300,000 ang mga mapapatunayang nagtatago ng maraming barya.

    Hinihinala ng mambabatas na ang pagtatago sa mga barya ang dahilan kaya kakaunting barya ang umiikot sa serkulasyon at walang maipanukli sa mga establisimyento.

    “The unscrupulous practice of hoarding of coins is tantamount to economic sabotage and is creating an artificial shortage of coins,” ayon sa kongresista.

    Ayon kay Treñas, ang mga kinauukulang ahensiya tulad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang magtatakda kung gaano karami o kabigat o anong denomination ng barya ang magiging basehan ng pagpapataw dito ng kaso at parusa.

    Layunin din umano ng mambabatas na mapigil ang sadyang pagtatago ng barya na napupunta umano na sindikato na nagtutunaw sa mga barya para magamit sa ibang bagay.

    “The BSP has the sole power and authority to issue currency within the territory of the Philippines, and it has the authority to investigate, make arrests, conduct searches and seizures in accordance with law for the purpose of maintaining the integrity of the currency. The BSP is therefore the proper agency to enforce and implement the proposed Act,” ayon kay Treñas.

    Ilang establisimyento at institusyon naman ang papayagang magtabi ng barya kung kailangan sa kanilang serbisyo tulad ng charitable institutions, mga bangko, at mga tindahan.

    “The BSP may also exempt persons engaged in retail business, provided that said persons in retail business must not keep or hold such coins beyond the reasonable needs of the business based on its average utility gross sales,” ayon kay Treñas. - RP/FRJ, GMA News

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,253
    #18
    Pano na natin tuturuan mga anak natin mag save sa mga piggy banks nila?
    Signature

  9. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    653
    #19
    Website source:

    At least two countries, Laos and Paraguay, use no coins at all.



    Pag di pumasa bill nya, gawa sya new bill ulit: Coinless Legal Tender Act of 20xx..

  10. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    5,855
    #20
    kung ano-ano na lang maisip ng ilang kongresista natin, basta lang may maihain na panukala at mailagay sa diyaryo nyahahaha!

    kung may mag-hoarding man eh malamang sa mga bangko din lang at mga malalaking establisyemento. kung ordinaryong mamamayan, gasino na lang yung isang alkansiya bwahahaha

    mabuhay ka Rep. Jerry "barya barya lang" Trenas
    Last edited by monty_GTV; July 30th, 2013 at 01:41 AM.

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Congressman wants hoarding of Philippine coins criminalized