May nagsabi sakin ang naka declare daw na assets ni Chavit is just over a million petot. Heheh natawa ko e.
YES
NO
May nagsabi sakin ang naka declare daw na assets ni Chavit is just over a million petot. Heheh natawa ko e.
Singson: Pagtulong ko sa hostage incident dumaan sa proseso
Dumaan sa tamang proseso ang pagtungo ni Team Unity candidate at Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson sa hostage-taking incident na naganap kahapon sa Liwasang Bonifacio sa Lawton, Maynila ito ang sinabi ni Singson sa panayam ng mornings*anc nitong Huwebes matapos siyang magpaalam at payagan ng awtoridad sa pamumuno ni NCRPO chief Deputy Director Gen. Reynaldo Varilla at Manila Mayor Joselito Atienza. Nilinaw ni Singson na siya ang tinawagan ng kampo ni Jun Ducat, ang namuno sa hostage-taking, kung kaya't tumugon lang siya sa tawag na iyon. Samantala sa panayam naman ng DZMM, inamin naman ni Singson na nagbigay siya ng tig-P500 sa mga estudyante ng Musmos day care na mga na-hostage kahapon matapos sabihin sa kanya ni Jun Ducat na maaari itong gawin dahil sa nasa panahon naman ng krisis. Itinanggi naman ni Singson ang balitang dati na niyang kakilala si Ducat at nakita silang nag-usap bago maganap ang pangho-hostage.
**** Luis "Chavit" Singson sa panayam ng mornings*anc ****
ANC: Maraming nagulat noong dumating kayo sa Manila City Hall kahapon because they didn’t know, number one, kung paano kayo na-involve doon at kung ano ang relation niyo, if any, kay Ducat. Kuwento niyo kung paano kayo nasama sa sitwasyon?
CHAVIT: Noong nasa Vigan ako kahapon tinawagan ako na may tumawag kay Jun Ducat and after that in-announce na hinahanap ako.
So tumakbo kaagad ako, kasi iyong mga ganyang sitwasyon ay may experience ako being the chief of police in Vigan when I was young at 21 years old.
So noong pupunta ako doon tumawag ulit ako kay Ducat at pinapupunta ako doon sa loob. Pero alam ko ang SOP dyan so diniretso ko muna iyong Mayor and [Police Deputy Director] General Varilla to ask their permission.
So hindi ako basta-basta papasok doon.
So inassess nila lahat lahat, tinawagan ko ulit si Ducat nag-usap kami. So pumayag sila, so doon ako pumasok.
Ayaw ko ngang magpa-interview dahil alam ko bibigyan na naman ng kulay.
ANC: Pero sir, sino ang unang tumawag sa inyo?
CHAVIT: Kakilala ko kasi iyong kasama niya si Ogie [Cesar Carbonnel] dahil noong ginawa akong Datu sa Zamboanga four years ago ay siya pala ang photographer…so pumasok agad ako hindi ako nagpa-interview hoping na pagpasok ko ay ire-release yung mga bata.
But surprisingly noong nandoon ako ay attached pala iyong mga bata sa kanya dahil pinapag-aral niya.
Masasaya lahat sila. Nagkakantahan sinisigaw iyong pangalan niya.
So iyong worry ko lang noon na [may] tig-isa silang granada na walang firing pin.
Okey 'ka ko dito lang ako. Pero ingat ka lang diyan dahil maraming bata.
At saka granada iyon. Hindi ko lang alam kung puputok pero talagang granada.
ANC; So Governor si Ducat mismo ang naghanap sa inyo?
CHAVIT; Oo, tinawagan daw ako sa radyo tapos pumunta naman kaagad ako.
Noong dumating na ako doon ay tinawagan ko.
So gusto lang nya, sana ay matulungan mo kami na madugtungan ang buhay ko sabi niya.
So sige sabi ko hindi kita iiwanan.
So usap-usap pinapakalma ko din siya dahil parang tense ng konti.
ANC; Hindi niyo personal na kakilala si Ducat?
CHAVIT: No, hindi ko personal na kakilala.
ANC: Pero tinawagan kayo at hiningan kayo ng tulong?
CHAVIT: Oo nagpatulong.
So 'ka ko tutulong ako.
So hindi namin alam kung paano lalabas after iyong 7 o’clock na inano niya.
Gusto lang niya ay may mga kandila at nagpadala si Mark Jimenez ng 5,000 kandila yata.
So after that gusto niya ay sound system para makapagsalita sa tao.
So pagkatapos ay pinag-usapan na namin iyong paglabas.
ANC: Bago kayo si [Senador Ramon] Bong Revilla ay nandoon at may mga balita kaming natanggap na bago hingin kayo, bago hingin si Bong Revilla, gusto din daw niyang makausap si Mike Defensor pati si Julius Babao, do you think that this guy was looking for publicity?
CHAVIT: Well, parang ganoo. Para mapaabot niya iyong gusto niyang sabihin sa taumbayan.
ANC: Did you feel sir na nalagay sa panganib ang buhay ng mga bata?
CHAVIT: Nalagay din sa panganib ang mga bata dahil hindi natin alam kung sasabog ang granada.
At saka fully-armed. Mayroon siyang Uzi, may .45 [pistol] yung isa at saka armado din lahat ang nasa labas.
Kung minsan ang mga ganyang sitwayon either manggaling sa loob o sa labas.
Kung may mataranta din sa labas o magputukan talagang mapapahamak ang mga bata.
ANC: Nakita kahapon sa video iyong pag-abot ni Ducat ng granada sa inyo. You are trained? You knew what you are doing?
CHAVIT: Yes. Ang importante lang huwag mong bitawan.
Maski tanggalin mo iyong pin, hindi naman puputok 'yon. Huwag mo lang bitawan dahil 'yun ang magti-trigger kung puputok iyong granada.
ANC: Mayroon kaming na-interview na superintendent ng police kagabi. This was the time na nakalabas na kayo ng bus. Sabi niya strictly speaking ayon sa protocol ng police hindi dapat pinapapasok ang mga outsider na walang kinalaman sa kaso katulad niyo at ni Bong Revilla?
CHAVIT: Tama, kaya nagpaalam ako. Nagpaalam ako kay Mayor [Atienza], nagpaalam ako kay Gen. Varilla.
In-assess nilang lahat, so tinawagan ko. Kinausap nila after talking to Jun Ducat pinayagan ako,
Hindi naman ako basta basta makialam doon na nakisawsaw whatever. Basta ang intention ko lang ay makatulong dahil alam ko makakatulong ako sa mga sitwasyon na ganyan.
ANC: Pero sir, I’m sure you said na pagpunta niyo doon ayaw niyo sanang magpa-interview ng media?
CHAVIT: Yes.
ANC: Kasi nga alam niyo na makukulayan lalo na at you are running for senator at this point?
CHAVIT: Yes noong naiabot ko na nga iyong mga granada at baril lahat umalis na ako. Hindi na ako nagpa-interview so iba na ang pumapel lahat so 'yun lang ang ano ko doon.
ANC: At least masasabi natin na wala namang nangyari at ano naman na-resolve ng mapayapa ang problema.
CHAVIT: Yes, iyon ang importante.
ANC: Ito iyong isang interview ng [International wire service] Reuters kay Manila Mayor Lito Atienza sabi niyo kasi nagpaalam kayo kay Mayor LIto Atienza ito po ang isang interview ng Reuters na lumalabas sa wires ngayon at ang sinasabi daw posibleng naging political gimmick itong nangyari kahapon. From the very start we look at the possibility of political motivation according to Mayor Atienza. The campaign season is peaking this could be part of a political exercise of some people and we discussed the matter. Was Ducat acting alone or is a political figure behind him. We look at that angle also. So kumbaga sir na-quote si Mayor Atienza na sinasabi niya 'yun nga baka may halo talagang politika ito at Mayor Atienza hindi naman oposisyon 'yan. Paano po ang masasabi niyo diyan?
CHAVIT: Ibig niyang sabihin si Jun Ducat mismo ang nagsabi, si mayor yata ang nagsabi na tatakbo yata. So baka may kulay politika sabi niya referring to Jun Ducat.
ANC: So si Jun Ducat ang mga pakana ng gimmick na ito if ever na gimmick?
CHAVIT: Yes dahil siya ang lahat.
ANC: How do you know this guy itong kasama niya, si Ogie [Carbonell] nakilala niyo siya noon pa?
CHAVIT: Noong four years ago namukhaan ko pagpasok ko noong nag-uusap na kami. Natatandaan niyo ba ako, sabi niya. Familiar ang mukha mo 'ka ko. Ako yung photographer nyo noong ginawa kayong Datu sa Zamboanga sabi niya. So palagay na ang loob ko
So alam ko na safe yung mga bata. ang kinakatakot ko lang ay iyong granada kung totoo yon. Pero totoo ang granada. Hindi ko alam kung puputok na parang nalilito kung minsan si Jun dahil nakatanggal ang pin hawak-hawak niya.
So ingat ka lang diyan 'ka ko dahil maraming bata. So 'yun ang concern ko noon na palagi kong sinasabihan si Jun Ducat.
ANC: Yung nabanggit kanina that Mayor Atienza was quoted as saying that there could be something political behind this Ducat obviously iyong mga statement na binigay niya kahapon, he obviously had statements that were political. But there were also criticisms that went out yesterday saying that politicians were riding on what’s happening?
CHAVIT: Yes hindi mo matatagal iyon.
Ako hindi nga ako nagpa-interview. Pumasok ako, pagkatapos hindi ako nagpa-interview. Lumabas ako dahil alam ko bibigyan ng kulay.
So yung mga nagsasabi ng ganoon naiingit lang siguro. Kung matapang sila at kaya nilang itaya ang sarili nilang buhay nila e di gawin din nila 'yon.
ANC: Ano ang dapat mangyari ngayon kay Ducat kasi alam naman natin na this is not the first time. Dahil noong 1980s may hinostage siyang dalawang pari over a dispute sa payment. Naresolba naman ng mapayapa 'yon but here we go again. It’s the second time na ginawa niya ito. Ano po sa palagay niyo ang dapat mangyari kay Jun Ducat ngayon
CHAVIT: Well dapat kasuhan at handa naman siya. Tutal bailable naman ito, kaya kong piyansahan ang sarili ko, sabi niya.
Pero kung hindi hihinto itong mga katiwalian mangho-hostage ulit ako sabi niya.
So um-oo lang ako ng um-oo sa kanya noong nag-uusap kami.
ANC: Anong tingin mo sa sinasabi niya na first of all huwag magtitiwala ang tao sa mga pulitiko. May culture na daw ng corruption na nagaganap dito sa Pilipinas. He even mentioned senatorial candidates, sabi niya yung mga senatoriables gagastos ng P300 million para lang makasweldo ng P30,000 a month paano kaya nila babawiin? Parang pinatatamaan niya ang mga kandidato?
CHAVIT: Tama din siya, pero ako naman ay gagastos hindi para makabawi.
Ang bawi ko diyan ay iyong future noong mga kinabukasan ng mga kabataan kung maayos natin itong gobyerno.
Ako tumakbo, kumandidato para tumulong gumawa ng batas na ikabubuti ng ating bansa, hindi para mang-away doon o magpalabas o magpa-pogi points o ano. Simple lang akong politician.
ANC: Hindi ba parang ironic ang ginawa ni Ducat kahapon na tinira niya ang mga pulitiko particularly ang mga tumatakbo sa Senado tapos pinatawag niya ang isang tumatakbo for Senate?
CHAVIT: Yeah kaya nga kinausap ko at siya naman ang nagpapunta sa akin so sige papasok ako diyan 'ka ko.
ANC: Sa iyong sariling assessment do you think that this was a gimmick on the part of Ducat?
CHAVIT: Hindi ko masasabi iyan. Ang matitiyak ko diyan ay mayroon siyang gustong paratingin sa bayan. Iyon ang gusto niya doon.
So kung anuman ang plano niya doon, anuman wala akong alam doon. Pero ang gusto niya ay magawa niya ang gusto niya.
Nasabi niya ang gusto niya sa buong bansa internationally. So 'yun ang purpose niya.
ANC: At kahit sa likod ng mga batikos e at least masasabi natin na mapayapang natapos?
CHAVIT: Yes, at least natapos na mapayapa at si Jun Ducat ay mabuting tao din. Kinakausap ko yung mga teachers. Lahat pinapag-aral niya talaga. May dala pang titulo, may subdivision siya. Ipamimigay daw niya lahat at contractor, may kaya din.
ANC: Paano kung walang magkaso sa kanya, iyong mga teachers na tinulungan niyo kung hindi sila magsasampa ng reklamo?
CHAVIT: Gobyerno ang magkakaso sa kanya, iyong ginawa niya, dahil marami kasing violation na ginawa.
So maski paano makakasuhan din siya pero hindi naman kabigatan siguro.
**** Luis "Chavit" Singson, inamin ang pagbigay ng tig-P500 sa mga bata sa panayam ng DZMM****
ANC: Gaano katotoo na namigay kayo ng tig-P500 doon sa mga bata nitong day care?
CHAVIT: Pinagbigyan ni Jun [Ducat].
Sige bigyan mo na, hindi 'ka ko baka ma-disqualify ako.
Sabi niya hindi crisis. Sabi niya crisis, so binigay ko sa teacher di binigyan lahat ang mga bata.
Pakita niyo sabi ni Jun.
Sabi ko ubos, sabi ko baka ma-disqualify ako, sabi ni Jun - hindi dahil sa crisis tayo at hindi naman makabili ng boto, sa mga bata ''yon.
ANC: Ang pera ay galing sa inyo iyon?
CHAVIT: Oo, pampakalma lang sa mga bata.
ANC: Kasi kakandidato kayo dapat maingat kayo sa kilos niyo?
CHAVIT: Oo.
ANC: Kung talagang nakapagbigay kayo ng pera?
CHAVIT: Inaamin ko naman. Sabi ko nga Jun baka ma-disqualify ako. Sabi niya hindi, crisis saka ako [Ducat] ang humingi para matuwa ang mga bata. Ibinigay ko sa teacher so sabi ko - teacher bahala kayo ang magbigay 'ka ko.
ANC: May nag-text sa aming istasyon at may nagsabi sa amin na may nakakita daw sa inyo sa Baseco [compound] na magkausap daw kayo ni Jun Ducat before itong hostage-taking?
CHAVIT: 'Yan na naman tayo. Baka humaba ang ilong niyan sa pinagsasasabi niyan.
Hahaba ang ilong niyan dahil hindi ko kakilala sa Jun Ducat. First time ko lang makilala.
ANC: Kasi ang karaniwang conclusion ng tao ay graduate kayo ng fine arts dahil magaling daw kayong mag-drawing ng pangyayari?
CHAVIT: Mga naiinggit lang iyan. Walang magawa. So sa mga naiinggit, kung kaya nilang itaya ang buhay nila ay gawin din nila iyon. Huwag na silang maiinggit.
ANC: Kung sakaling mayroon na namang isang taong desperado gustong magpalabas ng hinaing at gumawa ng ganitong hakbang kayo ba ay tutulong na naman?
CHAVIT: Kung tawagin ako at makakatulong ako ay gagawin ko. Maski na itaya ko ang buhay ko, kung makakatulong ako at tawagin ako at kailangan.
Hindi naman yung basta sasawsaw ka na lang diyan.
Mainggit na ang maiingit gagawin at gagawin ko kung ano ang tama.
kung hindi siguro siya nagtatago sa kanyang "orange shade glass", baka maniwala ako dito... heheheANC: Anong tingin mo sa sinasabi niya na first of all huwag magtitiwala ang tao sa mga pulitiko. May culture na daw ng corruption na nagaganap dito sa Pilipinas. He even mentioned senatorial candidates, sabi niya yung mga senatoriables gagastos ng P300 million para lang makasweldo ng P30,000 a month paano kaya nila babawiin? Parang pinatatamaan niya ang mga kandidato?
CHAVIT: Tama din siya, pero ako naman ay gagastos hindi para makabawi.
Ang bawi ko diyan ay iyong future noong mga kinabukasan ng mga kabataan kung maayos natin itong gobyerno.
Ako tumakbo, kumandidato para tumulong gumawa ng batas na ikabubuti ng ating bansa, hindi para mang-away doon o magpalabas o magpa-pogi points o ano. Simple lang akong politician.
![]()
![]()
Hindi naman proseso ang pinag-uusapan eh. Yung pagpunta niya don. Sabi lang niya na tinawagan siya ni Ducat.... proof lang kung gaano siya kasinungaling. Yung unang declaration niya, tinawagan siya ng kasama ni ducat. Hindi si ducat mismo. Pagkatapos, kahapon, sa ANC, nag-iba siya ng statement. Sinabi niya na si ducat ang tumawag sa kanya. Pero as of last nite, sa Bandila, idineny siya ni ducat na tinawagan siya. Naniniwala naman ako na wala siyang kinalaman sa pag-i-stage ng eksena don. Sumawsaw siya, oo... yun yon. Ang problema niya ngayon, imbes na makatulong sa kanya ginawa niya, nag-boomerang pa sa kanya. Sinundan pa kasi nila ng katakot-takot na press release para sa press, ayon na. Dapat kasi, tumatahimik na lang muna. Kasi, sobrang worn out na ang mga tao sa kanya. Huwag kasing pilitin ang sitwasyon. Kakalabas lang ng latest survey na number 25 siya, umeksena na kaagad siya. Magdududa nga mga tao. O anong sabi sa inquirer ngayon, ang hilig niya umeksena kagaya ng pagsulpot niya sa ring pag nananalo si pacquiao. Kaloka, ayaw niya kasi pag-isipan mga bagay-bagay. Problema pa, hindi lang pro-erap me ayaw sa kanya, pati mga anti-erap ayaw din sa kanya. Kaya sa totoo lang wala talagang lulugaran si Chavit. Kahit anong drama pa gawin niya, sobra predictable kasi siya eh.... alam na alam ng mga tao kung ano iniiisip niya. Worn out na ang mga tao sa kanya.
Nah..... actually, nakatira ngayon si chavit sa corinthian kasama ang mistress niyang dating prostitute na taga-Gen San. Worth 110 million ang bahay. Kakalipat lang nila from Euroville, sta. ana. Meron siyang tatlong eroplano at isang yate. Yung Escalera. Ewan ko lang kung nakabili na siya ngayon ng mas malaki. may bahay siya sa tagaytay. Yung mga unang kabit niya, may nakatira sa valle verde, meron sa cainta saka meron sa quezon city. Pabahay niya lahat yon. Meron siyang LCS office, saka yung Partas. Bukod pa yan sa mga beaches niya sa palawan, sa boracay, at sa ilocos sur. Plus, meron pa palang bahay ang kabit niya prosti sa mismong Gen San. Meron siya share sa Pavillion worth 2.6 M $. Pero tignan mo naman, yung mga government employee sa ilocos sur, delayed sa suweldo. Eh, under yon ng jurisdiction sa kapitolyo.
dagdag pogi points ba ung ginawa ni CHAVIT na pakikipag negotiate kay DUCAT? iboboto nyo na ba sya?
bahagi ng sulat na ibinigay ni JUN DUCAT sa isang reporter ng channel 7:
STOP CORRUPTION AND NO TO CHAVIT SINGSON!!!
hehehe!:hysterical:
HaHAHA!.. Hanep yan si Chavit Nung wednesday todo pabango sa publiko!.. nyahahaha!![]()
sa mga boboto.. piliin nyo na lng ung lesser evil..
kasi pare-pareho lng nman sila eh.
saka please..ung mga makakatulong... di yung lalong makkagulo.