Kani-kanina lang papunta akong manila for band practice from home here in Cavite. While I was caught in traffic palabas ng Talaba to Aguinaldo may mamang kumatok sa bintana ko at sinabi sa akin na may tagas ang radiator ko. Sagot ko naman baka yung aircon ang nakikita nya na may lumalabas na tubig. I did not bother looking at it kasi mukhang lasing yung mama. Pero talagang ang tagal nyang nakatitig sa jeep ko, yung titig masama kaya lalo akong nagduda.
Nung nasa Aguinaldo na ako papuntang Coastal biglang tumaas temperature gauge ko. Langhiya totoo ata na may tagas radiator ko sabi ko sa sarili ko. Pero nagtataka ako kasi kaka-check ko lang bago ako umalis ng bahay at wala naman akong napansin o nakita na tagas. I did not stop until tumirik na ako sa may toll gate. Umusok na yung sa loob ng hood ko. OVERHEAT!!!!
Mabuti na lang mababait ang security sa Toll at tinulungan akong itabi yung jeep ko. Nung tinignan namin yung loob ng hood wala talaga kaming makitang tagas. Sabi nya baka ma-raker ako pag di namin napaandar yung jeep ko. Nung tinignan pa namin ng maigi yung nakita na namin.........yung CLAMP ng hose sa ilalim ng radiator ko ay putol na dahil sa kalawang. Grabe talagang di ako makapaniwala na malilimutan kong i-check yun eh ilang beses ko ring nagamit ang jeep ko sa baha (kaya kinalawang na). Sa sobrang kinalawang na yung clamp hayun bumigay na.
Nagmadali yung Toll Security (di ko na nakuha ang name nya) na maghanap ng alambre kasi wala akong extrang s-clamp. Sya na rin nagkabit nung alambre para maging temporary clamp, habang nagsalok ako ng tubig. Umandar na ulit yung makina ko. Binigyan ko na lang ng pabuya yung security kasi talagang tinulungan nya ako.![]()
Saan kaya ako makakakita ng bilihan ng S-CLAMP na hindi kinakalawang????


Reply With Quote

