New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Results 1 to 10 of 10
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #1
    Kani-kanina lang papunta akong manila for band practice from home here in Cavite. While I was caught in traffic palabas ng Talaba to Aguinaldo may mamang kumatok sa bintana ko at sinabi sa akin na may tagas ang radiator ko. Sagot ko naman baka yung aircon ang nakikita nya na may lumalabas na tubig. I did not bother looking at it kasi mukhang lasing yung mama. Pero talagang ang tagal nyang nakatitig sa jeep ko, yung titig masama kaya lalo akong nagduda.

    Nung nasa Aguinaldo na ako papuntang Coastal biglang tumaas temperature gauge ko. Langhiya totoo ata na may tagas radiator ko sabi ko sa sarili ko. Pero nagtataka ako kasi kaka-check ko lang bago ako umalis ng bahay at wala naman akong napansin o nakita na tagas. I did not stop until tumirik na ako sa may toll gate. Umusok na yung sa loob ng hood ko. OVERHEAT!!!!

    Mabuti na lang mababait ang security sa Toll at tinulungan akong itabi yung jeep ko. Nung tinignan namin yung loob ng hood wala talaga kaming makitang tagas. Sabi nya baka ma-raker ako pag di namin napaandar yung jeep ko. Nung tinignan pa namin ng maigi yung nakita na namin.........yung CLAMP ng hose sa ilalim ng radiator ko ay putol na dahil sa kalawang. Grabe talagang di ako makapaniwala na malilimutan kong i-check yun eh ilang beses ko ring nagamit ang jeep ko sa baha (kaya kinalawang na). Sa sobrang kinalawang na yung clamp hayun bumigay na.

    Nagmadali yung Toll Security (di ko na nakuha ang name nya) na maghanap ng alambre kasi wala akong extrang s-clamp. Sya na rin nagkabit nung alambre para maging temporary clamp, habang nagsalok ako ng tubig. Umandar na ulit yung makina ko. Binigyan ko na lang ng pabuya yung security kasi talagang tinulungan nya ako.

    Saan kaya ako makakakita ng bilihan ng S-CLAMP na hindi kinakalawang????

  2. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #2
    sir Jim
    may nagamit ako dati na stainless hose clamp doon din sa lower part din ng radiator nakakabit ang hose nabili ko lang sa mga suking auto supply ..
    kaya lng di ko na natandaan price ..hanggang nabenta ang vehicle di naman nasira na
    .hanap ka na lang bossing sa mga auto supply

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #3
    Yung screw type na clamp na lang gamitin mo para mas-secure.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  4. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    1,306
    #4
    hehe, tingnan mo nga naman yung mama na kaduda duda pa ang unang nag advise pa sayo... looks can be deceiving...

    Baka pwede din dyan yung mga plastic ties na nabibili na pang tali ng wiring.

  5. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    994
    #5
    ot: bka po yung daga ang may dahilan kaya nasira yung clamp! joke lang po :bwahaha:

    swerte po ninyo sir, bihirang-bihira lang mga taong napakabait at mabuti ang loob tulad nung tumulong po sa inyo dun sa coastal. dati po naku nakakagigil yung isang highway patrol dun sa nlex, na-flattan na nga ng gulong yung mom ko ang unang response pa nya is ito-tow daw yung tsikot namin dahil nakahinto ito sa shoulder! instead na tulungan muna mom ko sa pagpalit ng gulong inisip munang mangikil para di ma-tow ang tsikot!! kaya nga po may shoulder lane di ba, for emergency!!
    Last edited by zidane21; September 18th, 2005 at 01:31 AM.

  6. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #6
    Quote Originally Posted by chris_d
    Baka pwede din dyan yung mga plastic ties na nabibili na pang tali ng wiring.
    cable ties din po yata tawag din doon for temporary use lang po cguro ..kasi later on baka lumuwag dahil sa init ..lagi din ako may baon nito for emergency purposes

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #7
    yung cable ties baka bumigay din kasi plastic yun di ba??? ok yung alambre, doblehin o triplehin yung alambre. natuwa talaga ako kasi hindi talaga ipinilit na i-tow ako. talagang naghanap ng paraan yung security para maayos yung problema.

    regarding dun sa mama, naku kahit kayo baka di kayo magtiwala. pulang-pula ang mga mata nya tapos sama makatitig. kaya talagang di na ako lumabas sa jeep ko hehehehehe

    Kung sa NLEX or SLEX nangyari sa akin ito, ewan ko baka tinow na agad ako.
    Last edited by jim; September 18th, 2005 at 11:43 AM.

  8. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #8
    Tama rin yung ginawa mo na hindi mo pinansin yung mama dahil hindi mo alam kung may masama syang intention. Pero dapat nung malayo ka na sa kanya, huminto ka at tinignan mo yung itinuturo nya.

    It happened to me sa Commonwealth Ave. While I was driving, may mga mama na itinuturo yung ilalim ng sasakyan at sinasabi na may spark. I didn't mind them. Pero nung malayo na ako, I stopped and check. Wala naman. I learned later na may modus operandi palang nangyayari. They would point that something is wrong under the front of your car/engine. If you stopped, they would approach you as if they are concerned and are willing to assist you. They would ask you to open your hood and request you to start the engine. Pag pasok mo sa kotse, may aalisin silang piyesa para hindi mag-start ang sasakyan.

  9. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #9
    Quote Originally Posted by jim
    yung cable ties baka bumigay din kasi plastic yun di ba???
    yes sir, plastic po ..kya may tendency na lumuwag pag mainit na din po .

    regarding dun sa mama, naku kahit kayo baka di kayo magtiwala. pulang-pula ang mga mata nya tapos sama makatitig. kaya talagang di na ako lumabas sa jeer ko hehehehehe
    gaya ng sabi ni Sir J_avonni...tama lang na di rin kayo huminto kasi may modus operandi ang mga iyan .pwede gaya ng sabi nila na kunwari concern iyon pala mas lalo palalakihin ang sira pag tumulong ..or worst is holdapin pa kayo ...kaya lang sana ng mejo nakalayo na kayo ay nag check din po kayo .

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #10
    Quote Originally Posted by OTEP
    Yung screw type na clamp na lang gamitin mo para mas-secure.
    yup boss otep screw type yung nasira kaya lang manipis!!!

    nakabili na ako sa Imus Truck Auto Center ng stainless na hose clamp, 80 pesos each, zebra brand (walang available na 555). Ok naman naikabit ko na (hirap). I'll make sure na pag lumusong ulit ako sa baha tignan ko yung clamp sa ilalim kung kakalawangin pa, pero since stainless cguro hindi na (sana).

Overheat Experience