Maganda nga yang promo ng petron kaya lang pinapagastos ka pa. Ayun, nagsend rin lang ako, who knows nga. Pero yung pang choc nut mo e, napunta na sa pagregister at pag send ng entry. Mas maganda pa yung coupon type raffle draws. Kung minsan kasi, yung suki kong gas boy nagbibigay ng dagdag na coupons. Nagagawa niya yon dahil may mga iba silang customers na hindi interesadong kunin yung mga coupons. Sa dinamidami ng pinadala ko na coupon, ni sentimo wala akong napalalunan. )
Originally posted by Ibaloi Sa dinamidami ng pinadala ko na coupon, ni sentimo wala akong napalalunan.
Hehehe, di pala ako nag-iisa. Naalala ko last time may promo ang Petron binigyan ako ng coupons one shoe box ang dami. Pinulikat na at nagkakalyo daliri ko ni-isang kusing di man lang nanalo din. :D