Sino ba nagsabi? Baka naman hindi naka-Vitara yun. Malakas ang third party support ng Suzuki kahit medyo specialized yung product. Meron ngang third-party (non casa/non manufacturer) Suzuki specialist shop dito malapit sa amin (Filmar's Katipunan). Halos puro Suzuki lang ang ginagawa dun. Dun ko kasi kinuha yung inorder kong shocks (brand new Monroe rear gas shocks ay Php1,450/pr, sa Civic ba magkano ang isang pares ng shock?).
For consumables, kahit yung non-specialized Auto Supply ni GlennSter sa Kamias ay kumpleto. Dun ako nagpapalit ng axle boot last month. Php130.00 per boot lang. Parang Php300.00/side naman ang labor.
Dito nakapost yung name and contact number ng iba pang Suzuki part stores:
http://tsikot.yehey.com/forums/showthread.php?t=31039
Ito yung Vit na ginagamit ko:

Acquired last August 2005, '95 model with 80,000kms.
Yung kapitbahay ko nga pala for sale yung Vitara niya. Pero mas bago siguro ito kasi 'W' na ata ang plaka. Kulay beige.