Hello po, nirecommend po ng tito ko itong site na ito. Dito po daw ako magtanong-tanong, kasi po balak po namin bumili ng pickup, ang budget ay 250k. Nagtingin-tingin na din sa sulit.com.ph, toyota hilux sana na pickup, so far yung mga nakita naming nasa budget range namin ay mga year 1993-1996.

Ang tanong ko po ay ano po yung pinakamagandang mairerekomenda nyo sa amin na pickup na pasok sa 250k budget namin, gagamitin kasi sa bukid sa Quezon Province. Pakisabi na din yung brand at year model. Saka meron ba kayong mga buying tips lalo na pag pickup ang bibilhin.

Salamat po.