New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 21 to 30 of 34
  1. #21
    We know the Philippines has the capacity to develop a local automotive industry not depending only of surplus parts, as we can see with the jeeps. The hardest part is to develop an engine independently, instead of buy from a bigger automaker like we see the jeepney manufacturers currently doing with Isuzu. But as far as cost goes, businessmen will always look at the initial cost...

  2. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #22
    parang bumalik si jpdm

    --

    the Phils. CAN ONLY ASSEMBLE motor vehicles

    the Phils. CANNOT MANUFACTURE from scratch yet

    parts have to be imported (chassis, engine, drivetrain, etc) and put together locally

    those mini owner jeeps in the other thread have japan surplus chassis and engine from suzuki supercarry/daihatsu hijet type vehicles

    only the owner jeep body is local

    malayo pa ang Pinas sa pag gawa ng 100% local motor vehicle

  3. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    35
    #23
    Quote Originally Posted by mario de guzman View Post
    magandang araw!

    Ako po ay labing limang taon na nagtatrabaho bilang empleyado sa planta ng Sobida. Nagkaroon noon ng strike dahil sa pang aabuso ng kumpanya sa mga trabahador sa planta, kabilang na ang hindi tamang pagpapasahod at kulang kulang na benepisyo. Mga kwento ng mga trabahador na hindi na sumama sa strike dahil sa katandaan, at naisip nalang na manatili sa kumpanya kesa mawalan ng trabaho. Sa ngayun mataas na din ang posisyon ko sa planta, at kahit problemado ako sa trabaho ko ngayun ay nagtatyaga na din ako dahil mahihirapan na din ako maghanap ng lilipatan sa edad ko ngayun. Ang mga kasamahan ko ay nagpaplano magsagawa ulit ng strike, pero alam ko na wla na rin sila magagawa dahil konti lang ang bilang ng totoong empleyado sa planta dahil karamihan samin ay mga CONTRACTOR at ang iba naman ay under ng AGENCY na ang may ari din ay ang kumpanya ng sobida. Wais di po ba??

    Totoo po na madami ng malalaking kumpanya ang umorder samin. Mga kumpanyang sumubok sa kalidad ng gawa ng Sobida. Pero karamihan po sa kanila ay dismayado at hindi na umulit. Ang ibang umulit na kumuha ay kumuha nalang ng paisa isa at hindi na maramihan dahil sa takot na sumakit ulit ang ulo nila sa dami ng backjob.

    OO. Maganda ang itsura ng Remanufactured ng Sobida. Pero aanhin naman po natin ang ganda ng truck kung lagi naman po ito nasisira. Mas madalas na nasa planta para i-backjob o madalas na nasa garahe nyo para ayusin ang sira. Ang iba naming customer na kumuha lalu na taga probinsya sobrang taas ng expectation sa truck na kinuha nila. Halos araw araw kung ikwento sa lugar nila na bumili sila ng magandang truck na halos kala mo ay bago. Pero nung nakuha na nila ang truck, wala na silang mukhang maiharap sa mga kapitbahay nila dahil laging may sira ang truck. Ang ibang customer na kakakuha palang ng truck ay hindi pa umaabot sa lugar nila ay tumitirik na ang truck nila sa daan palang.
    Saksi po ako sa dami ng backjob sa mga unit ng sobida. Halos lahat ng for delivery namin sa outlet, hindi pa nailalabas sa customer ay binabalik sa planta dahil hindi rin ito matatanggap ng customer.

    Meron po 6 months warranty ang mga truck ng sobida. Bakit po 6 months?? Dahil sa dami na rin complaints ng customer sa mga units ay napilitan na magbigay ng 6 months ang kumpanya para mapagbigyan ang mga customer sa dami at paulit ulit na problema ng truck. Nariyan ang kabig sa manibela, maingay na dashboard, malfunctioning na ilaw at panel gauge, matigas na preno, clutch at accelerator, ayaw pumasok na kambyo, maingay na transmission, makalampag na under chassis, naninikit na preno at wiggle ng gulong. May mga units pa na kulang talaga ang 6 months bago lumabas ang mga malalaking sira. Bakit hindi gawin 1yr ang warranty?? Sa loob po kasi ng 6 months ay puro minor lang ang nagiging sira. Pag lagpas ng 6 months ay major na, gaya ng katok sa makina, sirang transmission at sirang differential. Malaking gastos na po sa kumpanya kung magbibigay sila ng 1yr warranty para serbisyuhan ang mga major na sira.

    Bakit sirain ang mga unit? Ang mga unit ng sobida ay dumating na Front Cut. Cabin na may makina na naka mount sa putol na chassis kaya tinawag na front cut. Napansin nyo po ba ang mga nakasalansan na mga putol na chassis pag pasok nyo ng planta sa bandang kaliwa at kanan ng kalsada?? Ayun po ang putol na chasiss. Kinuha na po doon ang cabin at makina. Ang mga front cut na unit ay galing japan na sa sobrang dami ng sira at bulok na body ay pinutol na doon palang sa japan. Mas mura po yun at dahil cabin at makina lang naman ang kukunin doon ng sobida, ay ayun po ang binibili ng sobida sa japan. Ang iba pang mga pyesa ay ibat iba na ang pinanggalingan. May galing china, Taiwan, vietnam, at Indonesia. Ang chassis po ay localy made na. San po namin yun binibili?? Hindi po yun binili dahil sobida na po ang gumagawa mismo ng chassis. Mas makakabuti kung tingnan nyo mismo ang pag gawa ng chassis. Restricted area po yun sa loob ng planta. Sa dulong warehouse katapat ng cabin painting area. Hindi ko po alam kung papayagan kayo tingnan yun dahil sikreto po yun. Ang sinasabi po kasi ng sobida ay binibili ang chassis imported galing ibang bansa pero ang totoo, sobida na po ang gumagawa ng chassis.

    Kung nakapag canvass na kayo sa ibang dealer bukod sa sobida. Mapapansin nyo po na lahat ng dumarating na NKR narrow cab units ay 6 wheeler o di kaya ay yung tinatawag na Flat Low. Sa japan po kasi, ang mga unit na 4 wheeler ay yung may mga makina na 4JG2 3.0liter lamang, ito po kasi ay para lang sa magaan na kargahan. Pero ang iba na po na makina maliban sa 4JG2 ay 6 wheeler na ang standard sa japan. Bakit ang sobida ay may mga differential na 4 wheeler??? Hindi po ito original na 4 wheeler differential. Ito po ay mga dating 6 wheeler differential na pinutol at na-convert para maging 4 wheeler. Ang mga pyesa na ginamit dito sa pag convert ay replacement parts nalang. Maari nyo po tingnan mabuti ang differential sa likod ng sinasabi nila na 4 wheeler, may welding po ito sa magkabilang dulo malapit sa kinakabitan ng molye. Alam naman po natin na kapag may pinutol at welding ay hindi ito magtatagal.

    Huwag po kayo magtaka kung bakit ganito ang kalidad ng truck ng sobida. Halo halo na ang mga pyesa nito at karamihan ay replacement parts lang. Idagdag mo pa ang mga empleyado sa kumpanya na contractual lang na madalas ay wala ng malasakit sa kalidad ng gawa. Maganda ang unit, modelo at parang bago. Pero karamihan sa mga pyesang ginamit dito ay made in china, Taiwan, Vietnam at Indonesia.

    45 working days po ba ang pangako sa inyo na delivery time?? Huwag po kayo umasa, dahil sa delay ng mga supply namin sa pyesa ay tiyak lalagpas ito ng 45 working days. Kung ang mga order samin na paisa-isa ay umaabot ng higit sa 45 working days, kapag dumami ang order ay mas lalu pa tumatagal. At dahil sabay sabay ito, magiging rush ang pag gawa sa mga units nyo at lalong makakabawas sa quality ng pag gawa sa mga ito.

    Kung ikukumpara ninyo ang presyo ng SOBIDA sa ibang brand new kagaya ng JAC, Foton atbp.. ay konti nalang ang difference at halos magkasing presyo na. Mas makakabuti na kumuha nalang kayo ng brand new sa parehong halaga na may mas matagal na warranty kesa sa Sobida na 6 months warranty pero hindi naman brand new at puro replacement parts ang nakalagay. Makina nalang po dito ang ISUZU pero ang loob ng makina naman ay puro replacement parts din.

    Mas makakabuti kung kukuha nalang kayo ng RECONDITION na trucks kesa REMANUFACTURED dahil ang mga recon ay dumadating na buong unit at hindi chop-chop gaya ng Sobida. Pag buo na dumating ang unit, masasabi natin na halos lahat pa dito ay original parts. Tutal inaayos din naman lahat ito bago ibigay sa customer.

    Nasa inyo po ang desisyon kung sakaling kayo ay bibili sa sobida. Kung kayo po ay nakabili na, ay subukan nyo po obserbahan mabuti ang nabili nyo. Mas madalas po ba ito masira? Na serbisyuhan po ba kayo mabuti sa mga backjob at complains ninyo? Mabilis po ba ang serbisyo? Nagawa po ba ang maayos ang pinagawa ninyo at hindi na bumalik ang sira? Mas madalas po ba na nasa planta ang unit nyo?? Kung ok naman po ang nabili ninyo ay ma-swerte po kayo dahil isa kayo sa nakakuha ng maayos na unit.

    Mas makakabuti po na kayo ay magtanong muna sa ibang nakakuha sa sobida bago kayo bumili sa sobida. Huwag po kayo oorder agad ng maramihan at baka maging problema pa sa kumpanya ninyo. Maging sigurista po sana tayo at mapanuri sa ating binibili.

    Sa tuwing makakakita po kayo sa kalsada ng truck na may pangalan na sobida ay alam nyo na ang kalidad ng truck na ito.

    Sana po ay nakatulong ang impormasyon na ito sa inyo at kung maari ay ipasa ninyo ang impormasyon na ito sa iba ninyong kakilala na nakabili o may planong bumili para maunawan ng bawat Pilipino kung anong klaseng truck ang Remanufactured Truck.

    Maraming Salamat Po!

    Mario De Guzman
    aww.. totoo ba ito o ganti lang ito ng employee sa sobida company? kakalabas lang ng sobida namin e. tsk tsk!

    we chose the remanufactured truck over the reconditioned truck since for 100k difference:

    -original LHD steering and linkages. not converted (cut and weld). 1 year warranty on steering and linkages, 6 months general warranty.
    -"sobida" leaf springs in front para kargahan instead of the wishbone suspension on reconditioned trucks which will be much more cheaper to maintain.
    -all LHD configuration wipers, side mirrors, seating position, transmission location.
    -engine is rebuilt, restored to manufacturers specifications HP and torque (computerized calibration)
    -all new fluids, filters, and other components of the engine
    -and of course, the all new cabin and dashboard. even the odometer reading was at 30km nung kinuha.

    malinis yung pagkagawa and parang brandnew talaga pag nakita yung engine.. engine tone was also like new
    well, sana di kami magsisi..

  4. Join Date
    Sep 2010
    Posts
    29
    #24
    *greenfield,

    its all true. Most parts used by Sobida is china made. Maganda lang yung outside nila appearance ng unit nila. but inside mostly is China.

    Its better to buy subic used trucks or reconditioned trucks because most parts are still original Japan. All conversion of trucks are the same most parts used in conversion are already ORIG LHD.

  5. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    45
    #25
    Quote Originally Posted by Magnate View Post
    *greenfield,

    its all true. Most parts used by Sobida is china made. Maganda lang yung outside nila appearance ng unit nila. but inside mostly is China.

    Its better to buy subic used trucks or reconditioned trucks because most parts are still original Japan. All conversion of trucks are the same most parts used in conversion are already ORIG LHD.
    Eh sir yung sa GLC? Maganda ba yung kanila?

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,977
    #26
    may isa akong kaibigan bumili ng medyo madami sa sobida...
    pagpunta ko sakanila.. napansin ko agad.. wow ang gaganda ng truck.. pero sabi niya sakin.. dami daw hassle..

    pati changeoil kailangan daw sa sobida ipagawa.. para.. pasok sa 6mo warranty
    pati radio daw bawal palitan para pasok sa 6months warranty..
    dami daw nila binabalik for backjobs..

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #27
    Importation of pre-owned/used commercial trucks and heavy equipment is legal in the Philippines.

    Remanufacturing and reconditioning of these kind of units is safe and commercially accepted.

    Buying brand new vehicles from local dealerships is very expensive, impractical and not a very sound practice for businesses.


    On the other hand, importation of used cars, SUV's etc. is illegal.

  8. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    204
    #28
    Quote Originally Posted by kiper View Post
    Importation of pre-owned/used commercial trucks and heavy equipment is legal in the Philippines.

    Remanufacturing and reconditioning of these kind of units is safe and commercially accepted.

    Buying brand new vehicles from local dealerships is very expensive, impractical and not a very sound practice for businesses.


    On the other hand, importation of used cars, SUV's etc. is illegal.
    huh??? sa dami ng "B" plates sa kalsada "illegal" pa ba?

  9. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    1
    #29
    Wow grabe... is this true? kanina lang I and my dad went to Sobida Edsa cor. Fema Branch. since we are planning to buy a FB body truck, Ang option namin sana ay kia2700, hyundai H100 or local made isuzu nhr. Pero sa tatlong yoon may mga kanya kanyang disadvantage. kia k2700 and h100 under the seat yung engine so mahirap e sevice and may mga negative reviews din tapos yung locally made isuzu nhr flexi truck naman sobrang mahal naman parang hindi practical e pang negosyo (in our case) kaya sumilip kami sa sobida kasi nga mukhang maganda naman talaga yung outside appearance nila tapos isuzu pa ang parts.

    So pumunta kami sa sobida, and sa mga nakita ko parang brand new talaga mga units nila. Malinis ang pag kagawa "all most brand new units". ang dami pang puwedeng e-customize depende sa gusto ng customer ex. hi/low cabin, high or low speed trani, engine displacement etc. and base doon sa mga sinabi ng agent totoo naman lahat ng mga sinabi nya like replaced na yung internals ng makina, made by sobida yung chassis etc. kaya lang hindi nya sinabi na karamihan pala ng replacement parts ay made in china. and wala din syang nabangit na sirain eto etc. ang sabi pa nga eh if not brand new isuzu truck ang bibilin namin eh sobida lang...

    ngayon medyo naguluhan na naman ako kung ano talaga ang bibilin. ok sana yung sobida dahil isuzu parts pero after kung mabasa etong thread na eto mukhang nag dalawang isip ko... baka bumalik na lang ako sa kia2700 or sana may makita akong 2nd hand na local isuzu flexi truck.

    OT:Mr.Mario De Guzman if possible, can you please PM me. may mga gusto lang po sana akong linawin.

    Thanks tsikot

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,977
    #30
    yes.. true.. puros china nga ang kinakabit... buong likod niya daw.. china..

    ako bumibili ng parts saamin.. i always buy "japan" replacement.. or surplus.. hindi ko alam kung totoong japan nabibili ko but japan replacements palang lalo na underchasis iba sa tunay na japan... iba yung tigas ng tunay na japan isuzu parts..
    kahit yung mga seal kits ng air na preno.. once bumili ako ng "japan" akala ko pag japan original na.. nagka problema din kami.. delikado pa naman yun.. so.. bumili ako uli.. yung isuzu na talaga.. sa isuzu parts sa masangkay puros original...

    explanation ng binilhan namin ng truck ngayon.. medyo madaya daw sobida.. kaya mukhang bago lahat ng truck niya is.. dahil... pinalitan daw buong mukha niya ng china parts..
    dumadating daw truck niya as giga look.. pinapalitan lang daw mga headlights/ bonet etc etc.. para maging cat-eye look... ng china parts...

Page 3 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Sobida Motor Corporation