Ganito kasi, hard starting ang kotse ko. Toyota SR 1976. Ang lakas ng redondo nya. Bagong battery, spark plugs, condenser, contact point at ignition coil. Tinesting ng mekaniko kung may kuryente, meron naman, malakas. One time namatayan ako at ang tagal ko bago na-start. Tapos kanina nun napaandar ko then hinawakan ko ang ignition coil (negative) biglang may kuryente tapos biglang nawala. Nangyari lang ang hard starting ko after ma-stock ng 1 month ang kotse dahil pina body repair at repaint ko. Minsan parang pumupugak pugak ang takbo kahit mabilis ang takbo. Ok naman ang carb ko.