Na-mention ko na po sa taas yung name ng shop pero uulitin ko para todo publicity, hehe. Dallas Service Center in Tomas Morato, QC.
Sobrang okay naman yung mekaniko na nachempuhan mo... at kung tutuusin not bad na yung cost ng fanbelt (compared to P75 kung dito mo bibilhin sa Manila). Hay, lalo tuloy ako nade-depress tungkol sa nangyari sakin nung weekend.
San yung shop ni Mang Mario sa Bago Bantay? Just in case magkaron ng problem yung aircon ko sa kanya ko patitignan. Kelan nya nilagay yung surplus na compressor sa Pajero mo? Okay ba ang performance hanggang ngayon?
San sa Manila yung house ni Ferdie? Pwede bang walk-in sa kanya or dapat tatawag muna? Pahingi na din po ng address and contact number ni GlennSter kung meron po kayo.