curious lang po ako... kasi experienced ko noong dinala ko sa isang gasolinahan yong crosswind ko at sabi papagrasa ako, sabi ng mechanic, sa mga bagong sasakyan daw ay naka "packing " nga at di nila pweding gawin yon. hinanap ng mechanic kung may zerk points at wala syang makita. meron akong nakitang parang greasing nipple malapit sa disc brake at sinabi ko sa kanya yon. well sabi nya para daw yon sa pag-be-bleed ng brake fluid.

di ako komportable doon kaya binasa ko yong manual ko at mukhang tama nga yong mechanic. sinabi din sa manual na every 15000 km pms ay inspectionin at palitan kung maari yong packing pero dapat gawin yon sa casa.

so kung lagi kang nakalublub sa baha, maapektuhan kaya yong effectiveness ng grease packing? may paraan ba na mapalitan yong grease sa packing kahit di na dalhin sa casa at di na paabutin every 15000 km?