Results 21 to 30 of 62
Threaded View
-
January 26th, 2008 10:07 PM #1
Mga sirs! Paano ito?
Nagpa-tune-up kanina ang erpats ko ng '03 Toyota Vios 1.3E sa Toyota Balintawak-North para sa 40,000km PMS. Maraming ginawa dahil heavy daw ang 40k. Umabot ng around P10,000 lahat lahat, with the labor, parts and fluids.
Pag-uwi niya sa bahay, nakita ko yung service billing may nakalagay na:
--Code-------------Description-----------------Units----Amount
..Sublet 2S3269... X1R................................ 1120.00
Ang mahal naman, at bakit walang units? Nagtataka talaga ako kung bakit may nilagay na X-1R sa sasakyan. Walang description sa kung ano ito (trans, brake, engine) at di siya sinabihang nilagyan ng X-1R ang tsikot. So far wala namang difference, aside from siyempre yung expected benefits ng PMS, especially with a new air filter. And hopefully, the 'magic' isn't happening yet on the engine. :nerves:
IMHO, mas bilib pa ako sa WD-40 kaysa sa X1-R, kung langis lang ang pag-uusapan. Pampadulas lang ang X-1R ng bearing ng gulong ng space shuttle launcher, kaya may NASA cert siya. Ang laki tuloy ng pagdududa ko sa TMC dahil naidagdag pa rin sa service record as a legitimate service at sa kanila pa mismo nanggaling ito. Bukod pa sa wala sa expected cost namin ang 'additive'.
Anong kababalaghan 'to? Puwede bang maglagay ng ganito ang casa sa sasakyan nang walang pahintulot sa customer? At kung sakali man, wala rin kaming nakuhang empty bottle ni ebidensiya na nilagyan nga ng X-1R ang makina. Sarado na sila kaya di na rin namin mabalikan. Can I ask for a refund on something I did not order? If I don't want this on my engine, can I ask them to drain the engine oil and replace it with new oil?
Help needed pls.
Thanks.Last edited by tagarito; January 26th, 2008 at 10:34 PM. Reason: spelling
If you don't have a spare tire, a tire inflator using the socket of the car as power outlet is the...
Liquid tire sealant