i tested the grounds last night. maayos naman mga sir.
eto ang ginawa ko pa, i adjusted the idle as per user manual.
bring up temp to normal, patay makina, tanggal 2p connector sa EACV,
bukas makina, adjust ang idle screw, tumaas naman, patay makina,
reset ECU, kabit 2p connector sa EACV, bukas makina, check idle (sa tach),
medyo mababa pa rin pero hindi na yung halos mag stall ang makina.
bukas mga ilaw, a/c. ayos pa rin, hindi na nag stall or nag blink mga lights.
kumbaga, same na ulit ang 'ugali' before magluko (yung nagbi-blink at namamatayan).
sa ngayon wala akong pera eh. so ipon/tiyaga muna ako dito. and then
ipapa-tingin ko na ulit yung EACV at pa check kung may vaccum leaks.
until then tiis-tiis muna sa ganito. wag lang mamatayan ulit. (fingers crossed)
update ko this thread pag naipatingin ko na ito.
salamat ng marami sa mga tulong ninyo.
mabuhay ang tsikot!