Rusts are starting to form under the rubber and plasting liningsof my car, especially on the windshield area. The overall body paint is still good. How will i remove the rusts and prevent them from coming back?
medyo matagal na tong thread na 'to, pero may problema kasi ako sa kalawang e.
service personnel from the casa recommended to do strip to metal tapos apply rustproofing then repaint yun part na may rust. tanong ko lang sa inyo...pag ginawa ba 'to di na ba babalik yun kalawang?
medyo kainis nga e, bago pa lang yun ride ko (7 months) tapos may kalawang na.
the week before last week dinala ko na yun sa kanila (casa) tapos ang ginawa lang nial is repaint (5 days din nawalay yun ride ko sa akin). last week nakuha ko ulit ride ko tapos after 1 week inspect ko ulit yun part na bagong repaint. to my surprise may kalawang ulit.
dinala ko kanina sa casa so they can inspect my car, yun ang sabi sa akin i-strip to metal daw nila tapos rust proof, then repaint.
gulo ba kwento ko? sana matulungan nyo ako dito...di ko kasi alam kung i-dedemand ko na palitan yun buong part na may kalawang na e.
'yan ba yung nabanggit mo sa isang thread na may kalawang sa area ng plate number sa trunk cover?
imho, as long as wala kang babayaran okay lang i-strip to metal nila iyon...better if they will replace the entire trunk cover para less hassle sa part mo...
hirap talaga minsan sa casa, 5 days ka na nga naabala di pa nila pinagbuti yung gawa...kung maayos yung pagkakagawa nila nung una di na dapat bumalik yung rust tsk tsk...pare better talk with their service manager...
wala ako babayaran, kaya lang another 5 days na walang tsikot.
yun nga una kong nakausap na tao sa casa ang recommend nya palitan yun buong trunk lid pero nun lumabas yun isang babae from the service area nila ang sabi sa akin i-strip to metal lang daw. ang hirap nito pag bumalik ulit abala nanaman sa akin...kakainis talaga.
talagang sinusubukan nila ang haba ng pasensya ko e...
ever heard of ospho? chemical yun that you apply on rusted parts, converts the rust to sulphur oxide (very hard anti-rust chemical) and stops rust from spreading. no need to scrape to metal, just apply it on rusted parts, wait till it turns black then paint. may darating kami na 3 drums this week, maguwi nga ako ng kahit 1 liter lang hehehehe!
may ospho pens na tinda sa diy, not sure lang if its handyman or sa galeria. felt tip pen kulay yellow yung plastic nya. just remove the rusted surface, apply pen and wait till it turns black. then paint.
prinsipe, sinabi pala ng service manager na papalitan na lang...dapat tuparin niya yung binitawan niyang salita...baong bago yan kotse mo pare kaya karapatan mong maghabol sa kanila...kapag pinahirapan ka pa, dalhin natin sa media :mad:
yebo, no need to buy ospho, under warranty pa naman e. siguro kailangan ko yan pag la ng warranty.
afrasay, yan nga ang balak ko gawin kasi talagang abala sa akin yun e. hirappa naman mag commute.
pajerokid, try ko rin yan pag tapos na warranty ko.
chieffy, plano ko dalin sa media pero wala ako kilala sa media e. pero di pa siguro ngayon, kasi nga di pa nauubos ang pasensha ko, pero pag walang service vehicle na binigay sa akin...we'll see pare.
update ko lang kayo. tinawagan ko na ang casa kanina, nagre-request ako ng service vehicle. sabi ko sa kanila di ko naman kasalanan kung bakit gagawin ulit yun tsikot ko. pinagawa ko sa kanila yun tapos after 1 week nandun ulit ang problema...sila ang may kasalanan. di ako madali magalit (mahaba....ang pasensha ika nga) pero nun kinakausap ko na yun tao sa casa unti-unti nag-init ang ulo ko kasi na-imagine ko pag wala tsikot, hirap mag commute gamit ko pa naman yun paghatid ng baby ko sa lola nya (la pa kasi ako yaya e). pero mahinahaon pa rin ako...di ako sumisigaw sa telepono. ang sabi nun kausap ko itatawag nya daw sa planta kasi walang service vehicle ang mga dealers e, at ang nag recommend na repaint lang ang gawin nun unang beses na dinala ko sa kanila yun tsikot e planta.
sana naman ma bigyan nila ako ng service vehicle. yun lang po.
sir, what if kinain na yung bakal? i have this problems doon sa rear underside... yung nasa ibabaw ng rear tires (di ko alam tawag eh), medyo may butas na at baka pag basa daan pasok moisture sa loob lalo lalala rust... saan dapat dalhin para mapaayos...
Most common rusted areas, wheel well or in layman's term tambol. :D
Pag butas na talaga yan, di na pwede ang sand, prime and repaint. Unahin mo na ang latero, cut and fabricate the affected part para di na kumalat then apply primer then paint. Or better yet have the whole underpart rustprotected with undercoat.