speaking of punctured tires, ayun, nadali ako kahapon ng mala-pako na bakal at nakausli sa sidewall ng left rear tire ko. naisip ko bunutin kaso baka pagpasok ko kanina ng madaling araw eh dapa na ang gulong ko so i left it there, drove papunta sa office, checked it every 2 hours, awa ng DIYOS di pa naman dumadapa...sinabihan ako ng magpavulcanize na near sa office lang kesa hintayin ko pa pero pagbaba ko ngayon lang, ok pa naman. plano ko kasi magpavulcanize sa dating pinagpagawan ko nung nadali naman ako ng screw...sana kanina pero, sarado pa pagpasok ko. minsan, ok din ang humihingi ka ng recommendations sa ibang T/S dito or sa mga kakilala mo instead na magpavulcanize ka lang sa mga pwede mong madaanan.