mga sir patulong naman... bigla nalang pupugak pugak yun oto ko... just happen nun ibirit ko sa tersera nung nag-overtake ako... pupugak-pugak na...pero maganda naman takbo habang nakatapak ako sa gas.
tapos namamatay sya pag bago start lalo na sa umaga. parang may cadence yun pugak nya e.. BRROMM...BRROMM...BRROMM...ggrrkkk...tapos start cycle uli.
had it checked by the mechanic...chinek at nilinis lang ang spark plugs, air filter. tapos my mga kinalikot sa may parteng carburetor tapos ni-rev ng ni-rev. chinek din ang timing. medyo nag-ok. yun pinalabas na uli sa 'kin. along the way namatayan naman ako. nakailang attempt ako mag-start bago tuluyan tumakbo. akala ko nga di na ako makakauwi.
ngayon ganun na uli siya...pupugak-pugak... nu kaya problema mga sir...