pahingi naman po advice bago ko dalhin sa mekaniko para alam ko na kung ano patitingnan, alam ko naman madami expert dito sa tsikot.com. meron kasi tunog sa me driver side kapag mapapadaan ako sa humps o kaya magtu-turn ako, yong tunog nya is parang bola sa loob ng box pag inalog mo. hindi naman sya palagi ganon me tunog parang tyempuhan lang pero nakakairita e & i'm worried baka kasi lumala pa yong sira.
assuming front wheel drive yan, saka sabi mo pag dumadaan ka sa humps saka pag lumiliko, at tunog e "tok-tok-tok", e baka sira na cv joint. baka lang naman.