New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 2 of 2
  1. Join Date
    Apr 2011
    Posts
    36
    #1
    good day mga sir! kanina ko lang kasi naibyahe ng malayo yung sasakyan ko may 3 issues akong nakita

    1. bagong overhaul kasi yung radiator ko tapos diba 2 lang yung auxiliary fan niya ang ginawa ko kasi nagdagdag ako ng isa pa nilagay ko dun naman sa harap bale 2 yung sa likod ng radiator tapos isa yung para dun sa harap sa a/c yata yun? yung radiator ko is may 1 liter na coolant plus water bale ang nangyari kasi kanina di naman siya nag overheat bale lumagpas lang ng konte sa kalahati yung temp. tapos parang uminit ng konte yung a/c nag worry ako so naghanap ako ng gas station para buhusan ng water yung radiator pero nung pag park ko sa gas station pag angat ko ng hood di ko pa nabubuhusan ng water yung radiator sabi ng kasama ko eh bumaba na daw yung temp which is parang wala sa kalahati yung temp. pero binuhusan ko narin para sure.

    question now is eto po ano ano pa ba pwedeng maging factors para maiwasan yung ganito? kelangan ba pure coolant lang ilalagay ko? tapos yung dinagdag kong fan kelangan ko bang alisin? sabi kasi nung ibang mekaniko na napagtanungan ko di na daw kelangan pang lagyan ng 1 pang fan sa harap makakaharang lang daw yun. (gusto ko sana magawan ng paraan to para may peace of mind sana ako kahit malayo ang byahe at matrapik)



    2. yung umuugong eh nadiskubre ko nung nagpa recamber ako at align sabi sakin kelangan ng palitan ang wheel bearing.

    question is magkano yung wheel bearing para sa harap both sides?

    3. eto yung naguguluhan ako pag nakatigil kasi sa trapik or humahataw ako eh pumapasok yung amoy sa loob ng sasakyan ko to the point na nahihilo nako.. pinasilicon ko mga salamin ko wind shield tapos yung salamin sa likod pero ganun parin now eto yung pinto ko kasi yung sidings niya may mga awang na malalaki kasya isang daliri kumbaga malaki ang clearance ng sidings dun sa glass window so naisip ko na dun nakakapasok ang amoy galing sa labas.

    question is anong magandang gawin? sa totoo lang wala talaga akong idea.


    sana matulungan niyo ako maraming salamat!

  2. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,668
    #2
    1. Tanggalin mo yun 3rd fan sa harap. Di nga kelangan yun. Pero bago mo tanggalin, sayang naman, check your Radiator cap. Might be time to replace it. Kelangan sealed kasi yun, kung hinde, magboil off yun water, slight overheat.
    Pag binuksan mo ba yun aircon, umaandar ba lahat ng fans?

    2. Wheel bearing, job takes 1/2 a day. Suggest pagawa mo sa mga gumagawa ng suspension. Most likely, wheel bearing 3k ++ dalawa na yan.

    3. Aircon yan. Make sure na naka-recirculate ka. Baka di na gumagana yun recirculate button (kung push button ang aircon mo). To make sure, open glove compartment, dun sa taas ng glove compartment, may small white motor, Dun yun recirculate motor. Check mo lng kung umiikot pa yun motor pag pinindot mo yun recirculate button.

Need a lot of help on my B13..