Results 1 to 10 of 401
Threaded View
-
September 26th, 2009 09:40 PM #10
Salamat sa Diyos at hindi kami nalubog sa baha.... di namin akalain na ganun kalakas ang ulan.... sinundo namin panganay ko sa retreat sa Tagaytay and instead of bringing our APV van, we decided to bring yung kotseng "lowered" namin.... matagtag kasi APV at mas maganda sa long driving yung kotse. Bale 7am kami nasa Tagaytay at di namin napansin na ganun kalakas yung ulan... natapos yung retreat ng 10am at umuwi na rin kami. Las Pinas kami umuuwi and Alabang-Zapote road na lang ang hindi baha, sobrang traffic na nga lang kaya nagpa-ikot ikot din kami sa looban.... hanggang sa umabot kami ng SM Southmall kung saan kami nagpahinga... 2pm na kami nakauwi...
Umingay lang mga belts specially yung sa a/c... di naman kami itinirik... kahit na medyo nailusong ko sa baha sa may Daang-Hari... naka-stop kasi sila sa left side ng kalsada, akala namin may tumatawid lang kaya huminto... sa lakas ng ulan, di na namin napansin na baha pala kaya sila naghintuan... malamang di rin napansin nung CR-V sa unahan namin na nauna nang kumanan at lumusong sa baha... napasunod na rin kami... nahawi naman nung CR-V yung baha kaya nakaraan kami... tumirik nga lang sya pagkatawid samantalang kami na naka "lowered" hindi tumirik...
Hindi ko ugaling lumusong sa baha at ni minsan wala akong balak... talagang sa lakas lang ng ulan, hindi namin napansin na baha na pala... di ko rin akalain na hindi ko mapapansin ang baha... pero there's always a first time siguro... sana lang huwag nang maulit.
Exactly! It’s an exciting time — more affordable and practical EVs are definitely on the way.
Audi will no longer develop new...