ask ko lang yung case ko mga papi. 98 civic lxi auto ko. kinabitan ko ng fujitsubo legalis na chambered muffler. after ikabit napansin ko na lumakas yung hatak. pero medyo gusto ko pa palakasin yung tunog. may nagsabi saken na patanggal ko daw yung resonator na katapat ng handbrake. yun yung mataba. dalawa kasi yun sabi nung nagtatanggal. may isa pa na mas manipis nauuna dun sa mataba. ang tinanggal ko yung mataba pinalitan lang ng pipe. lumakas yung muffler. ganda nga ng tunog actually e. pero napansin kong nawala yung hatak na na-gain ko before tanggalin yung reso. parang bumalik sa stock yung hatak lalo na pag uphill ang takbo. im planning to re-install my resonator. or kung ipatanggal ko nalang yung isa pang resonator? ano magiging effect nun? or ipabalik ko yung matabang reso at patanggal ko yung maliit na reso? ano naman effect nun? suggestions naman mga sir kasi ang gastos ng trial and error at putol ng putol ng pipes e. salamat and more power to you guys..






Reply With Quote