New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 3 of 3
  1. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    27
    #1
    a. Tuwing kailan mostly nag o-occur ang pag leak? Kung itoy pinapaandar or kahit ito ay naka park lang?

    b. Kung sakaling maubusan ng fluid ang reservoir, tama bang punan ko lang ulit ito hanggang sa ito ay maipa-repair?

    c. Sa pagkakataong kailangan magpalit ng PS assembly, dapat rin bang palitan ang PS pump?

    Maraming salamat sa mga mag-re-reply..

  2. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,976
    #2
    a. Normally, kapag pinapaandar (or nililiko, mas malakas ang leak, kasi may hydraulic pressure sa PS system). Kapag nakapark, mas mahina ang tulo

    b.
    Kung talagang gipit sa budget, ok lang. Pero paayos mo na agad, kasi pag nawalan ng fluid, baka masira lalo ang PS pump, mas mahal ang gastos. (Happened to me already, dagdag lang ako ng dagdag ng fluid noon kasi kulang ang pera, kaya lang mas magastos in the end, kasi yung PS fluid na sumisirit na-contaminate yung other parts, kaya madalas din akong magpa-engine wash noon).

    c. Depende kung saan ang sira. Try to buy a PS repair kit kung sa pump mismo ang may tagas. Kung rack and pinion or hoses lang, then ask the mechanic your best option. Puwede kasi tipid mode or "kahit gumastos basta maayos" lang mode

  3. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #3
    Malakas ang bawas kapag nililiko, mas lalakas ang tagas.

    Pwede naman, yun nga lang hindi mo naayos ang sira kundi pang samantala lamang na remedyo Pwede ka ring gumamit ng CYCLO power steering stop leak kung di naman kalakasan ang tagas. Marami na ditong gumamit noon.

    dami na ring discussion tungkot sa POWER STEERING gamitin mo lang ang search
    Last edited by XTO; February 14th, 2008 at 04:37 PM.

Mga katanungan about Power Streering