agree ako sayo bro. the best ang jasma mufflers. share ko lang experience ko. 98 civic lxi auto ko. kinabitan ko ng fujitsubo legalis na chambered muffler. ang ganda ng tunog mga kapatid. sa 1000-1500 rpm sobrang baba na bass ang tunog niya. hindi iskandaloso. kahit na madaling araw hindi ka makakabastos ng mga natutulog. buong buo kasi yung tunog. kapag tumaas na yung rpm mo hihina na siya. pag idle naman alam mo paring nakamuffler. parang may mahinang bass na gumagapang yung tunog.
after ikabit napansin ko din na lumakas yung hatak.
kaya lang naengganyo ako na palakasin pa yung tunog. may nagsabi kc saken na patanggal ko daw yung resonator na katapat ng handbrake. yun yung mataba. dalawa kasi yun sabi nung nagtatanggal. may isa pa na mas manipis nauuna dun sa mataba. ang tinanggal ko yung mataba pinalitan lang ng pipe. lumakas yung muffler. ganda nga ng tunog actually e pero hindi parin iskandaloso. pero napansin kong nawala yung hatak na na-gain ko before tanggalin yung reso. parang bumalik sa stock yung hatak lalo na pag uphill ang takbo. im planning to re-install my resonator. or kung ipatanggal ko nalang yung isa pang resonator? ano magiging effect nun? or ipabalik ko yung matabang reso at patanggal ko yung maliit na reso? ano naman effect nun? suggestions naman mga sir kasi ang gastos ng trial and error at putol ng putol ng pipes e. salamat and more power to you guys..






Reply With Quote![Google Play [Merged:] Straight pipe?](https://play.google.com/intl/en_us/badges/images/generic/en_badge_web_generic.png)