Ok na, napilitan na lang bumili ulit sa West Racing, p250 na lang. Considering na mukhang luma at parang minachine-shop lang (tapos hindi pa chrome-vanadium), holdap talaga.
Before that, naghanap ako sa Banawe, (Ben's OK, Speedplus, etc.), wala silang thin wall socket wrench. They suggested either ipa-machine shop ko na lang yung standard 21mm socket, or Kingston Trading. Dun sa Kingston, may nabili akong thin wall, Melko ata brand (US-made) but the thing is, kasya siya sa ibang butas, sa iba hindi. Binili ko na rin, tutal p130 lang (brand new, chrome vanadium pa!). Kaya napunta at napabili tuloy ako sa West Racing.
Ingat kayo sa shop na to, lugnuts nila p900 (sa labas, 300/16 pcs.) Actually, 65/pc nga gusto nila, tinawaran ko na alng. Tire valves p120 each, sa labas p30 lang. No choice lang ako, kasi mura talaga Rota mags nila, at mataas yung trade-in value ng stock mags ko. Usapan namin, libre tire mounting, tapos chinarge ako ng p200.
Sabi ko: Akala ko ba libre?
Guy: Yung mounting lang, pero dismounting may labor charge
Me: Naknampucha, pano nyo imo-mount, kung hindi nyo muna
idi-dismount???
P.S. Tama si Jigger, kasya nga yung spark plug socket wrench, manipis kc. Kaya lang, maliit yung bar, mahirap ikutin, baka mabali.