Not sure kung nabanggit na po ito sa thread na ito. Yung sa Pajero 03 ko po e bigla na lang siya nagbawas ng maraming fluid. Then by morning nilagyan ko na siya fluid at a normal level. Hindi ko pinaabot sa max. Chineck ko yung mga maliliit na tubo sa brakes nya sa apat na gulong e wala namang signs ng leak as in tuyo naman siya lahat. Chineck ko na rin yung brake pads saka yung disc niya okay naman lahat. Pinaandar ko yung makina mga 15 mins tapos binobomba bomba ko yung brake pedal. Chineck ko ulit yung reservoir ng brake fluid hindi naman nabawasan pero lubog pa rin yung brakes ko saka tinest drive ko rin siya sa loob ng subdi sobrang hina po talaga ng preno. Ano po ang pwede ko pang i check or gawin na pwede kong gawin dito lang sa garahe ko? Wala pa po kasi akong budget to bring it to the mechanic. Thanks!