had my car engine washed last tuesday at sabi ng nag hugas may langis raw sa mga sparkplug/sparkplug holder ng kotse ko...suggestion ng bro ko ipa top overhaul ko raw...
ano po ba maganda gawin...im planning to bring my car sa mekaniko this weekend...pls help.TIA
bakit naman kailangan i top overhaul e ang sabi yata ng nag engine wash ay spark plug holder ang may oil so depende sa car or engine baka me leak lang valve cover (i doubt if it;s the spark plug kasi nag pa wash ka lang and they don't need to remove the sparkplugs)
if it is at the tip then normally it is the valve seal that needs replacing. kung sa tip when the high tension wire goes in then it is the sparkplug oil seal.
get it checked well before getting an overhaul agad.
sabi nga rin ng mekaniko ng car ko try ko muna compression test kasi wala naman ako nararamdaman na kakaiba sa takbo nito...out of town kasi mekaniko ko e. salamat po sa mga nag reply.
yup, choose lesser evil. have it checked muna before jumping into great repair. now, since malinis na engine mo, observe kung san talaga nanggagaling yung oil. good luck at wag sana major sira yan
sir saan po ba pwede pa compression test na malapit sa olongapo???wala dito sa gapo e, sabi sakin try ko daw pampanga sa casa.weekend lang kc ako available.
aside from compression test ano pa po ba pwede test para makita problema ng engine ko???thanks.
tanong ko lang po kung paano compression test and kung ano makikitang problema sa engine??? dinala ko kasi ung oto sa shop kanina for compression testing, ipina iwan ung car kase kailangan daw malamig engine bago i-test and 2 to 3 hrs. raw ang testing at baka raw mainip kami. and sabi ng isang staff ung compression test daw ay test lang para malaman kung kailanagan i-overhaul ung engine...hindi po ba makikita kung saan leak engine ng oto ko???hindi ko po iniwan ung car kasi ayaw ni misis. ibabalik ko po sa monday.thanks.
no need for the engine to be cold during the compression test, pwede naman hot. you will have slightly higher readings pero basta consistent sila between cylinders then ok na yun.
you cannot tell where the leaks are from that test.
katatapos ko lang pacompression test sa servitek and my question is ano po ba acceptable readings ng meter para malamam na ok pa engine?
reading kasi sa mga cylinder ng engine ko ay 98,100,105,99...sabi sa servitek ok pa raw yan but sabi nman ng kuya ko dapat daw around 120 something or higher ang mababasa and dapat daw try din nila lagyan ng oil loob ng cylinder para makita kung tataas readings.