New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 14 of 14
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    37
    #1
    mga sir kahapon nagulat ako dahil bigla lumubog brakes ko. pero ng inapakan ko pa uli kumagat na. pag check ko ng fluid ang dami nabawas. ang alam ko di dapat nababawasan yun (tama ba). pagsilip ko sa rear wheel ko may tagas ng fluid. ano kaya nangyari?

  2. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    13
    #2
    pards,

    pag nagtanong ka sa mekaniko..most likely na isasagot sa iyo ay may tagas preno mo..meaning may leak sa mga brake system.

    yung fluid na nakita mo sa rear wheel mo most likely tagas ng brake fluid mo yon..

    immediate action na kailangan gawin mo dyan..

    i advise you not to drive the car..tumawag ka na lang ng mekaniko para gawin yan..madali lang naman yan..baka yung seal lang yan..

    delikado kasi kung idadrive mo pa..baka makadisgrsya ka pa..o maaksidente ka pa.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,790
    #3
    Yup, may tagas nga brake system mo. Have it checked and repaired immediately for the safety of the ones using your vehicle.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    37
    #4
    ok na brakes. palit pistons ng drum brake, manipis na raw kaya lumulusot fluid, kahit ok yung mga goma. naka 600 lang ako. salamat sa mga reply.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,790
    #5
    Anytime dude.

  6. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    7
    #6
    sa car po kumakagat naman ang brake pero malalim yung pagtapak sa brake.

    ang sabi ng bayaw ng friend ko e baka may singaw daw sa harapan, sa hydrovac ata yun. kung papapalitan ko yun, mga magkano kaya yun? kasya na ba sa 2k yun o mas mahal pa? TIA

  7. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    2,340
    #7
    Quote Originally Posted by benethon View Post
    sa car po kumakagat naman ang brake pero malalim yung pagtapak sa brake.

    ang sabi ng bayaw ng friend ko e baka may singaw daw sa harapan, sa hydrovac ata yun. kung papapalitan ko yun, mga magkano kaya yun? kasya na ba sa 2k yun o mas mahal pa? TIA
    what car? year? details please

  8. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    7
    #8
    automatic sya. 1994 daewoo

  9. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    1,738
    #9
    pa-bleed mo muna ang preno sa front and rear hanggang tumaas ang tapak sa preno. Kung hindi mag normalized ang taas ng preno, oras na para palitan ang repair kit ng brake cylinder (cylinder sa harapan ng hydro-vac). Ang hydro-vac mismo ay walang deperensya kung hindi napakatigas tapakan ang preno pag umaandar ang makina.

  10. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    4
    #10
    siraduhin nyo lang sir na wla ng bula ang brake fluid na nasa fluid line. during bleeding process. make sure isang tapak lang ok na yan..

  11. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    115
    #11
    mga sir. ganyan din na experience ko sa car ko. 2004 revo sr. 2nd hand ng binili ko. malalim pag ng preno ako pero ok naman ang brakes at di nauubusan ng fluid. normal lng ba ito sa car ko?

  12. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    1,171
    #12
    Quote Originally Posted by jncp9886 View Post
    mga sir. ganyan din na experience ko sa car ko. 2004 revo sr. 2nd hand ng binili ko. malalim pag ng preno ako pero ok naman ang brakes at di nauubusan ng fluid. normal lng ba ito sa car ko?
    check niyo sir baka pudpod na yung brake pads/lining, dahil pagnapupudpod yun, may self-adjusting mechanism yun brakes (esp. yung rear drum brake) para kahit pudpod e lalapat pa rin, kaya pagtinapakan niyo e malalim na, magtaka kayo kung parang "spongy" siya tapakan yung tipong sobrang lambot, tapos nagbabawas ng fluid, yun may leak for sure.

  13. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    115
    #13
    Quote Originally Posted by zap.FREEDOM View Post
    check niyo sir baka pudpod na yung brake pads/lining, dahil pagnapupudpod yun, may self-adjusting mechanism yun brakes (esp. yung rear drum brake) para kahit pudpod e lalapat pa rin, kaya pagtinapakan niyo e malalim na, magtaka kayo kung parang "spongy" siya tapakan yung tipong sobrang lambot, tapos nagbabawas ng fluid, yun may leak for sure.
    hindi naman nababawasan ang brake fluid sir zap.. ok pa naman ung brake lining. ipapa check ko nlng ung brake pads sa mekaniko ko hindi kc ako alam mag tanggal nun eh. ok naman ung brake force nya, d naman sa masyadong malalim pg tinapakan ko ung brakes. naninibago lng ako kc dun sa mazda b2200 pick.up ko matigas ung brake nya.

  14. Join Date
    May 2014
    Posts
    6
    #14
    Not sure kung nabanggit na po ito sa thread na ito. Yung sa Pajero 03 ko po e bigla na lang siya nagbawas ng maraming fluid. Then by morning nilagyan ko na siya fluid at a normal level. Hindi ko pinaabot sa max. Chineck ko yung mga maliliit na tubo sa brakes nya sa apat na gulong e wala namang signs ng leak as in tuyo naman siya lahat. Chineck ko na rin yung brake pads saka yung disc niya okay naman lahat. Pinaandar ko yung makina mga 15 mins tapos binobomba bomba ko yung brake pedal. Chineck ko ulit yung reservoir ng brake fluid hindi naman nabawasan pero lubog pa rin yung brakes ko saka tinest drive ko rin siya sa loob ng subdi sobrang hina po talaga ng preno. Ano po ang pwede ko pang i check or gawin na pwede kong gawin dito lang sa garahe ko? Wala pa po kasi akong budget to bring it to the mechanic. Thanks!

lubog preno