[SIZE=3]Good day![/SIZE]

[SIZE=3]I have a problem with my ride. It is a 13t engine and I let it tuned up by a qualified mechanic (daw! Recommended sya ng mga kapitbahay so try ko sya since I don’t have a mechanic). Before the tune up maganda ang takbo at hatak nya at di namamatayan lalo na sa akyatan walang problema, malakas kaya lang nalulunod ang carburetor nya at mausok so kailangan nya ng tune up para lalong gumanda ang tunog at maging fuel efficient. So, what he did is to overhaul yung carb changed its primary jet from 110 to 80 and secondary jet from 220 to 180. ang sabi maganda na daw at matipid na kailangan lang daw gawan ng line yung fuel return para mas lalong matipid at pinagawan ko nga sya. At first maganda ang takbo walang usok at nawala ang ingay ng makina at maganda ang timing kaso namamatayan kasi kinakapos, nauubusan sya ng gasoline kailangan munang ihinto sandali tsaka paandarin, so ang ginawa nila binalik ang primary jet nya sa dati from 80 to 110 kaso ganun pa rin ang sitwasyon mas matagal nga lang ngayon pero kinakapos pa rin lalo na sa akyatan. Pinakita ko ulit sa kanya at na overhaul ulit at nakitang may dumi ang carb ang sabi madumi raw ang tangke kaya nagkakaroon ng bara sa carb kaya kinakapos. so pagkatapos ma overhaul maganda na ulit ang takbo kaso ganun ulit kinakapos pa rin at humina pa ang power. Dati kasi nakaka akyat ako sa second gear(before tune up) ngayon hanggang first gear lang at napansin kong mabagal sya sa high speed.[/SIZE]
[SIZE=3]Nawalan na ako ng kompyansa sa mekaniko kasi kung tatawagan ko sya for advise di sya makapagbigay ng advise kesyo kailangan daw ng special tools para kalikutin ito pero kung sya naman ang mag service kulang kulang sya sa gamit at pinahihiraman ko pa sya ng tools(weird).[/SIZE]
[SIZE=3]Dahil dito nangangalap ako ng possible causes nito para makagawa ako ng check list at isa isahin ko ito. Tama kaya ang sabi ng mekaniko na kailangang ipalinis ang tangke? Anu ano kaya ang probable causes nito. Kailangan ko po ang mga opinion nyo dito.[/SIZE]