
Originally Posted by
benot0008
Hi! Need po your advice.
I encountered an accident last week which has caused a damage on a parked Vios.
Pabalik ako ng QC nung tinuro sakin ni WAZE na kumanan, di ko alam na dead-end. Yung kalsada po, sa magkabilaang side may nakapark. <http://tinypic.com/r/2817i3o/9> Nung nasa kalahati na ako ng kalsada, napansin ko na na dead-end, so nagtanong ako sa nakatayo doon, at dead-end nga daw. So, umatras na ako. At first, madikit na ako sa right side ko, kaya umabante ako ulit at inayos yung lane ko, pagdating sa gitna, may tambak na basura sa kaliwa ko, so yun ang iniwasan ko, habang umaatras ako, nasagi ko yung Vios na nakapark sa gilid ng kalsada. Hindi kami nakakuha ng police report. Pero nagkasundo kami na sa insurance ko na lang ipapasok.
Ngayon, napagkasunduan naming insurance ko na lang ang gagamitin, at wala na ako binigay. Nung sinabi ko na sa kanya yung requirements ng insurance: (1) License (2) ORCR (3) Copy ng insurance policy niya and lastly, (4) Certificate of No Claim. Ngayon, namomroblema ako kasi sabi niya expired na daw insurance niya 1 month ago, so sabi ng Insurance ko, kahit yung TPL na lang na nirerequire ng LTO. Yun naman ngayon ang hinihingi ko sa kanya, sinabi niya sakin na hindi nila makita at pinapabayaran na lang ng 6k (3k sa replacement ng tail lights <may crack>, 3k sa side panel <gasgas>) para di na daw kami maabala.
Ang sakin naman, maibibigay ko lang, 3k kung gusto niya ng cash or ipasok lang talaga sa insurance ko at ako yung magbabayad ng PF.
Ano po bang gagawin ko? First accident ko kasi. Dinedemand niya na bayaran ko na lang, eh, hanggang 3k lang yung kaya ko...
Salamat po sa sasagot.