New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 11
  1. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    5
    #1
    Guys patulong po

    Problema ko kasi kanina pag start ng kotse ko click sound lang try ko ulit click sound ulit hagang 5x yung pang huling start ko. Ayun umaandar na dinala ko sa bilihan ng. Battery pinacheck ko sabi sira na daw ang battery ko mag 2yrs n battery ko pala, pero duda pa rin ako sa pinagdalhan ko Kaya dinala ko. Ulit sa ibang bilihan ng battery ganun din sabi pasira na battery ko, nagdududa lang kc ako. Baka sinasabi. Lng nila para bumili na ako ng battery. Wala pa 2yrs bat ko. Motolite gold gamit ko Ang mahal na kasi nasa 5thou yung bat ko help po baka may iba pang. Sakit Kanina lang po nangyari yun, try ko ulit start ngyun. Ok n man sya kaso nakakatakot ilabas bka mamaya ayaw na. Start. Ty.

    Tanong ko narin kung may alam po kayong bilihan ng battery dito po sa cavite area po yung mura motolite ns60 rev pang 1.6liters civic 2001 pala gamit ko ty.

  2. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    52,701
    #2
    naka-limang subok bago mag-start? parang hindi battery yan.
    hinala ko, starter solenoid ang problema. patingin mo sa starter mechanic. hindi naman kamahal ang replacement.
    kung sabi ni starter mechanic ay battery rin, ay siguro battery na nga. may "champion" brand na binebenta ng motolite. mura lang.. nasubukan ko na ito.

    alam mo, madali namang malaman kung baterya ang problema. honesto lang dapat ang kausap natin...

  3. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    5
    #3
    Quote Originally Posted by dr. d View Post
    naka-limang subok bago mag-start? parang hindi battery yan.
    hinala ko, starter solenoid ang problema. patingin mo sa starter mechanic. hindi naman kamahal ang replacement.
    kung sabi ni starter mechanic ay battery rin, ay siguro battery na nga. may "champion" brand na binebenta ng motolite. mura lang.. nasubukan ko na ito.

    alam mo, madali namang malaman kung baterya ang problema. honesto lang dapat ang kausap natin...


    Mahirap na kasi magtiwala sa mga bilhan ng batt. Parehong shop pinunthan ko magkakaiba sila ng presyo test nila yung bat ko bad yung indicator ng aparato nila kaya pinagppilitan na bumili na daw ako ng bago Try ko. Ulit start after 8hrs ok na ulit 1 click na, my alam po ba kayo. Na shop dto cavite po newbie lang po kasi hehehe , , , yun lang po kasi yung brand ang gamit ko simula nung nakuha ko yung tsikot, ano po ba maganda brand ng battery na mura lang po ty,

  4. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    1,136
    #4
    Click, click, click? Try mo check terminals kung mahigpit ang pagkakabit. Ganyan nangyayari sa akin pag tinatanggal ko battery tapos nakakalimutan ko ibalik ng maayos yung mga terminals. However, kung 2 years old na din battery mo, malaki ang possibility na pasira na talaga yan. Bili ka ng voltmeter (tester) para ma check mo yung voltage nya at kung nagccharge ng maayos habang ON yung makina. FYI, nabili ko lang yung tester ko sa Coastal Mall for 120 petot.


    Posted via Tsikot Mobile App

  5. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    5
    #5
    Quote Originally Posted by wezz_zzew View Post
    Click, click, click? Try mo check terminals kung mahigpit ang pagkakabit. Ganyan nangyayari sa akin pag tinatanggal ko battery tapos nakakalimutan ko ibalik ng maayos yung mga terminals. However, kung 2 years old na din battery mo, malaki ang possibility na pasira na talaga yan. Bili ka ng voltmeter (tester) para ma check mo yung voltage nya at kung nagccharge ng maayos habang ON yung makina. FYI, nabili ko lang yung tester ko sa Coastal Mall for 120 petot.


    Posted via Tsikot Mobile App
    Maraming salamat po sir ttry ko po bukas

  6. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    5
    #6
    Eto napo yung result ng test ko
    Attached Thumbnails Attached Thumbnails image.jpg  

  7. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    2,372
    #7
    ^^^battery na nga yan Sir. Di na makahold ng current masyado. Kaya pagclick mo, minsan ayaw kumagat nagrereact muna electrolyte or umiinit bago kumagat. May tama na isa o dalawang plates niyan.

    Kung sa battery tester ng 2 shop eh failed na battery mo. Siguraskng battery na nga problema mo.

    Considering nakita mo sa tester na nasa res na or bad na yung battery mo.

    Posted via Tsikot Mobile App

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #8
    i also think its the battery.... 2 years may be enough for your battery to start failing.
    if you are in doubt, why not borrow a newer battery from a friend, a neighbor or from another car and try it out kung ganun pa din?

  9. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    5
    #9
    Salamat po sa mag comments nyo sir ttry ko. Po ulit mamaya pa test sa ibang shop ang mahal kasi ng battery ngyun hindi nakasama sabudget baka may alam po kau na bilihan ng battery dito na mura po motolite n60 battery ko. Hindi kasi pare pareho ang price ng motolite dto cavite 5thou presyo nila ngyun, dati bili ko 4thou or maganda po ba ang battery ng outlast? Ty po

  10. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2,271
    #10
    Quote Originally Posted by ghooost View Post
    Eto napo yung result ng test ko
    hindi naman sa volt meter nakukuha o malalaman kung mahina na battery mo.
    sa amphere meter yan bro..magka iba ang volt meter sa amphere meter.

    kung mag 2 years na battery mo malang medyo mahina na yan..

    kapag ginamitan ng amphere meter sa battery station malalaman nila kung babagsak ang voltahe ng sasakyan mo.
    at malalaman nila kung gaano nalang ang lakas power o amphere ng battery mo.

    example.

    ang battery mo ay 12 volts na 12 amphere.
    kapag sinukat nila yan sa amphere meter.yan at pumalo ng 2 ampheres nalang mahina na ang powers niya,
    masusukat mo nga na 12volts pero ang powers niya ay hindi na kayang magpa andar ng starter,
    ilaw na 12volts na 2 ampheres pwede pa.

Page 1 of 2 12 LastLast

Tags for this Thread

Help! Start problem