New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 10
  1. Join Date
    Jul 2013
    Posts
    154
    #1
    mga boss ano kaya cause ng burning rubber smell ng sasakyan ko? vios 2013 model bought nov 2013. naamoy ko siya ngayon pag magstop ako tapos pag bukas ng pinto o windshield pumapasok sa loob ang amoy after mga 5-10 seconds nakaOn ang engine. 2 days na kasi ganito. pasensya na wala talga akong alam sa ganito. hindi ko pa nga alam na chinecheck pala dapat ang coolant, brake fluid nito. akala ko every pms lang.heh hanggang tire pressure lang alam ko. tnx

  2. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    3,604
    #2
    No need to figure this out. Dalhin sa casa bago lumala. Kaya nga may 3 year warranty.

    Get it fixed first... Then you ask them what happened next time and how to check for this.

  3. Join Date
    Jul 2013
    Posts
    154
    #3
    ah ok po. salamat. noob kasi talaga ako boss. hindi ko alam kung anong gawin o anong sabihin sa casa baka pagpunta ko dun biglang walang burnt smell o ano. kasi pag hindi siya tinakbo wala naman. baka umo-o lang ako kung anong sabihin nila. pero sa tatlong tao na pinaobserve ko lahat sila napansin din ung amoy tsaka 1 year ko na to dinadrive ngayon ko lang napansin un. gusto ko sana pagdating ko sa toyota sabihin ko sr pacheck nga kung anong prob bat amoy burnt rubber baka may leaking o ung brake o may sira o ano. para icheck nila ng maayos.heheh salamat

  4. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    3,482
    #4
    M/t or a/t? Baka friction material/asbestos ang naamoy mo, could be sliding clutch or sticky brake linings..

  5. Join Date
    Jul 2013
    Posts
    154
    #5
    Quote Originally Posted by 12vdc View Post
    M/t or a/t? Baka friction material/asbestos ang naamoy mo, could be sliding clutch or sticky brake linings..
    a/t po. hindi ko kasi makuha ng eksakto san nanggagaling ang amoy. try ko bukas umaga pag gamitin ko. pero napansin ko din na minsan parang pumapangit ung takbo ko parang pilit lalo na pag mahina takbo pero hindi pa din ako sigurado kung tama o kung ano dapat kasi bago lang din ako natuto magdrive nung nakuha ko to. pero salamat sa reply sir memorize ko ung sinabi niyo para pagdating sa toyota kunwari may alam ako.hehe

  6. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    3,482
    #6
    Wala ka ba napansin na kakaiba sa sasakyan aside from burning smell (NVH,driving dynamics)? Kelan nangangamoy? When engine idling(no vehicle movement) o when you start to drive the car?

    Kung ako sayo, physical inspection near the exhaust manifold. Baka nilusong sa baha may na-trap na rubber at nasusunog tuwing umaandar makina. O kung may mabait ka sa garahe, baka may tinangay na basura sa engine bay.

    Buklatin mo yung user manual at check lahat ng fluid levels at recommended fluids. Tama ba ang fuel octane na nilagay mo base sa user manual?

    Kung kaya mo pa, inspect mo ang drive belts, free-play ng gulong. Actually madami pa kaya mag elimination method ka muna ng most possible cause..

    Normal lang yan wala masyado alam, ang newer generations ngayon ang alam lang mag drive o plug and play. Pero mas magaling ang driver kung alam nya ang minamaneho nya at naiintindihan ang inooperate na makina, hindi ka din lolokohin sa casa.

  7. Join Date
    Jul 2013
    Posts
    154
    #7

    ung amoy sr napapansin ko after driving pag stop may magbaba o magopen ng windshield yun after ilang seconds un pumapasok na sa loob ang burnt rubber smell. kasi kanina nung binuksan namin ung hood para tingnan ung mga fluids wala naman kaming naamoy nung pinastart namin. hindi din to binaha. ok pa naman ung coolant and brake fluid niya. sa gas shell unleaded kinarga ko ngayon hindi kasi maganda ang takbo sa shell nitro. pero 3 days ko na sinasabihan asawa ko na parang pangit ang takbo ng sasakyan. napapansin ko parang nagbavibrate pag magpreno ako ng dahan2x and parang ramdan ko ang daan. pero baka sa tire pressure lang din. pero dun sa burning rubber smell sigurado talaga ako dun. kasi wala naman akong naamoy dati and mahina lang din kasi takbo ko mga 30-50kph lang tapos mga 10-20kms lang ang distance.tnx

  8. Join Date
    Oct 2013
    Posts
    2,537
    #8
    i vote catalytic converter since bnew pa...

  9. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    3,482
    #9
    I mentioned to check the fuel because wrong octane and lead could destroy the cat.

  10. Join Date
    Jul 2013
    Posts
    154
    #10
    sr pero pag ganito na case ba dapat ipacheck agad sa casa o antayin ko na lang maubos ang gas ko para matry din ibang brand baka mawala lang? and dapat ba walang burnt smell? phoenix98 kasi parati kong ginagamit tinamad lang ako kaya shell unleaded(FS) pinakarga ko kasi on the way sakin. sensya na ngayon lang ako nakareply akala ko sira ang site kasi wala akong reply button

Tags for this Thread

help! burning rubber smell