bigla na lang di lumalamig yung aircon ng van (starex grx), hindi din gumagana yung mga gauges (odo/fuel/temp etc..) sa dashboard. so naisip ko malamang fuse na nagkadamay damay since sabay sabay nga nasira.. nung kinalas ko yung isang fuse sa me engine compartment nalaglag sha so kelangan ko gapangin sa ilalim ng van, then i found out na nginatngat ng aso yung isang maliit na bundle ng wires dun, pwede ko i DIY kung tutuuisin since pagduduktong duktungin lang naman yung mga kulay kaso yung ibang wires e direkta yung pagkaputol sa connector, gusto ko sana palitan yung buong wiring nun at i insulate properly like how it was, at wag i electrical tape lang kasi pag nasugod sa baha magiging cause pa ng mas malaking sira pag nabasa yun. i checked the fuses anyway at gawa naman lahat.
me warranty pa yung van namin, pero malamang di covered yun.
ang tanong, sa casa ko pa kaya ipagawa (baka tagain kame) or maghanap na lang ako ng auto electrician?


Reply With Quote

