Pwede rin yung starter solenoid. Pero bago pa kasi car mo eh...hmmm...
Dun sa Accord ko kasi, akala ko rin yung starter kill ng Clifford alarm ko, kasi ni click wala. Nakalagay naman sa P or N yung selector ng tranny. Nung binaba yung starter, akala ko brush pero starter solenoid lang pala.
Long shot: Check the battery terminal if dirty, clean if needed, then really thighten the terminals. I've seen starting problems occur even with a fairly tight terminal, but simply further tightening did the trick.
[SIZE="5"]oo nga. check the battery terminal. nangyari n sakin yan dati. pina check ko starter, glowplugs, elec system.. wala naman problema...
tapos isang araw nagpa gas ako.. edi syempre u turn off before re filling.. tapos nun tapos na ma refill ayaw mag start!!!.. nakakahiya sa likod ko na kotse nakapila magpapa gas... ang ginawa ko binaba ko handbrake ko tapos mejo umabante tapos tinulak ko na.. tapos tinanggal ko battery terminal then linis tapos kabit ulit.... ayaw pa rin, sabi ng gasoline boy "sir basain nyo po".. ayun binasa ko tapos 1 click lang nag start na kaagad..
ang ginawa ko ngayon pagkauwi ko, tinanggal ko battery terminals ko + and -... ang ginawa ko sa ulo ng battery mismo ay niliha ko tapos kinudkod ko ng pang steel na lagare (ung kulay blue) para magkaroon ng ngipin na maliliit yung terminal,,
after ng mahabang panahon.. di n nangyari sakin yung nangyaring kahihiyan sakin sa gas station na after mag pa gas ay ayaw mag start..
ganun lang pala.. lagyan ng ngipin yung terminal na battery, ung ulo na kulay silver..