Yung Pioneer na Car Stereo ko kasi ayaw na gumana yung mga buttons. Kahit anong pindot ko sa mga buttons like Volume Control, FM Station selection eh ayaw na nyang mag respond.
Iniisip ko eh katulad din ito nang mga normal problems sa lumang TV remote controls na nawawala na yung contact nya sa loob. Carbon ata yung tawag nila dun. Nde ko naman kasi masabing sira yung electronics nya sa loob kasi may mga ibang buttons na gumagana pa rin at minsan, natya tyambahan kong mapagana yung mga buttons na may problem.
I am thinking of bringing this unit para malagyan nang Carbon sa raon pero I'm thinking of a way na kahit ako na lang ang gagawa para maayos.
Meron ba kayong alam nabibili na bagay para ma "re-carbon" yung contacts?
May nagsabi sa akin na pwede ko daw sulatan nang lapis yung nawalang carbon. Oks ba to?