karding,

sa US kaya walang benefit ang high octane kasi ang compression ratio ng engines dyan ay lower than compression ratios ng engines sa pinas. strict kasi ang emission controls dyan kaya pag tinaasan ang compression ratio, tataas din ang NOx levels kaya di pwede. so since mababa lang compression ration, di nyo need ang high octane gasoline. 87 ska 92 ron lang pwede na.

dito kasi sa pinas, 10+:1 na compression ratio ng ibang car engines kaya unleaded dito 92 ska 95 ron. tapos mga newer model cars talaga nakalagay sa owner's manual, 94 ron or better ang recommended fuel kaya forced-to-good kami sa premium.