Korek si sir ninjabez, karamihan ng tsikot members dito ganyan magiging reaction sa thread mo sir. Pero to answer your inquiry yes sir yung inner layer ng cover yun yung nakakagasgas sa paint ng sasakyan mapapansin mo magkakaroon na ng swirl marks kahit pa ipadetail mo yan.
Wag naman natin i-judge agad si louiellopez...
baka naman taga private village/subdivision sya so ok lang kahit wala syang garage...
Back to the topic... Based on experience, yes nakaka-sira ng paint ang car cover... Especially kung basa yung car tapos linagyan mo agad ng cover... (e.g. malakas ang ulan tapos you decided na ilagay yung cover) magkakaroon ng white water marks na hindi na matatanggal.
Another situation na masama sa paint is kapag umulan... Tapos basa yung kalsada. Kapag umaraw, may mga moisture na papasok sa cover ng car mo kapag nag-evaporate yung tubig sa kalsada.
But then since wala kang garage na may bubong... Wala kang choice... Kukupas paint mo without the cover and IMO, mas maayos na kumupas yung buong car kesa naman may parts na may white water marks.
Best option is kung malalagyan mo ng konting bubong yung parking mo ngayon... kahit trapal lang... basta hindi nakadikit sa car and madaling tanggalin kapag malakas ang ulan/hangin.
Actually sa subdivision namin may mga designated places nga kung saan pwede magpark yung homeowners sa road parang may assigned place para kay HMO A and HMO B
Just sharing pero against din ako sa pag parkinggan yung street
Sent from my SM-A700FD using Tsikot Forums mobile app
actually sir *louiellopez, mas ok kung bibili ka ng car cover na rubberized kesa sa mga binibenta sa ace hardware and the likes. yung sa dating hatchback ko, yung "tuffgear" brand ang gamit ko at kahit anong bagyo or lakas ng ulan, never nagmoist or pinasukan ng tubig ulan. after almost of using it araw-araw, bumigay na at napabili ako ng cover sa ace hardware na ang brand ay otter. ayun kahit ambon lang, pasok ang tubig though labeled sya as waterproof "kuno". naghanap ako ng mabibilhan online kasi pahirapan makakuha ng tuffgear at may nabili akong rubberized din, mas sulit kesa sa mga ace hardware, blade or handyman ka bumili, almost same price lang din.
Bro sa harap ng bahay namin 4 hummer can easily park, in and out ng wala problema. Sarado yun part na yun ng village (gated). Pero mga kotse ng family namin, sa garahe 2 nakapark; pag andun erpat ko plus 2 sa garden. Bisita lang minsan nakakapark sa harap namin, ilan oras lang at di permanent. dito sa inuupahan kong apartment, inantay ko pa umalis kasama ko, bago ako bumili ng auto kasi ayaw ko maka abala ng ibang tao, so dont tell me na wag mag judge. bago ako na approve ng loan sa bank, yan ang tinanong sakin nung nag CI. Im not flaming bro ha pero, katulad ng post ni vvti di sa atin yun kalsada.
Sent from my D5303 using Tapatalk
Maraming salamat sa mga sumagot sa thread.
Naintindihan ko din yung mga comment regarding sa wala kaming parking. Nasa private village po kami, yun din ang apprehension namin bago bumili ng kotse, pero kailangan talaga ng family.
Kung ipagbabawal ang pagbili ng kotse kung walang parking space sana isama na din kung gaano kalaki ang garahe nyo ay yun lang din ang i-a-allow na dami ng kotse na puwede mong bilhin. Yung mga neighbors namin 2 o 3 ang sasakyan, isa nakagarahe yung 2 nasa kalsada...
Hayaan nyo po kapag bibili kami ulit ng kotse garahe muna ang uunahin.