New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Results 11 to 20 of 22
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #11
    napansin mo ba nagbago ung takbo niya kaya mo natanong o parang pakiramdam mo lang mabagal? baka kasi ganyan talaga ung response ng kotse mo. testing mo muna humawak ng parehong kotse tulad ng sa iyo saka mo compare.

  2. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    71
    #12
    Quote Originally Posted by ian_rex
    sir, pa-tune up mo kaya muna? nagpalit ka na ba nang langis? baka barado yung mga fuel injector mo? pa-calibrate mo muna. or baka sa throttle body. or try mo magpalit nang air filter element. baka naman maluwag na mga piston rings mo at kelangan mo na mag-overhaul?
    sir ian rex , yong sabi nila sa model ng car ko eh self tune up daw kaya di na raw kaylangang e tune up.. ok pa naman engine ko ala pa usok at di nagbabawas ng langis. kondisyon pa naman .. bago ko reg. yong oto ko eh change oil na ko para sa smoke emission. yong air filter ko eh racing filter na siya at nalinis na rin yon.

    sir flakeZ, bago palang kasi tong oto ko na galing sa bayaw ko. compare ko sa ibang oto na gamit ko yong toyota na 1.3 ibang iba ang hatak niya compare dito sa 1.6 na nissan ko.. tagal kasing na stuck kaya siguro ganito. pero bago mastuck eh kundisyon daw yon.. hataw kasi kong gumamit bayaw ko kaya alam ko na di ganito ang response ng oto... malambot kong umarangkada...

  3. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    2,329
    #13
    naka-mags ka ba? anong size? normal lang consumption a, 40L /300 kms? 7.5Km/L. obserbahan mo muna...

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    71
    #14
    Quote Originally Posted by ian_rex
    naka-mags ka ba? anong size? normal lang consumption a, 40L /300 kms? 7.5Km/L. obserbahan mo muna...
    sir 195/60r15 gulong ko... tamang tama sabi mo sir nagpafull tank ako 42L almost 330kms about 7.5-8.5 km/L city and highway driving. pag baguio to makati almost 18-20L one way. (hataw)

  5. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    1,311
    #15
    cguro pwede mo check yung intake manifold and throttle body, baka madumi ito considering napalitan na rin pala yung air filter ng aftermarket...

  6. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    1,455
    #16
    tune up by a competent mechanic lang

  7. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    71
    #17
    mga sir, sa wakas na tapos na rin problema ko.. galing ako kanina sa isang caltex service center pinakita ko yong car ko as is ganon parin ang ginawa.. nagpalit narin me ng spark plug ganon parin.... kong ano ano na kinakalikot sa oto ko naaawa na nga ako... mantakin ba naman na inulit yong timing niya at di ginamitan ng timing light... ayon gumanda na hatak niya...humaharurot na hehehe... ang kulit talaga ng lahi ng mga mekanikong mga yon oo.... sabi ko kasi pinatingin ko na yong last monday at sabi nakatiming siya.. tinignan din nila sabi nakatiming din daw.... yon pala nakukuha sa mano mano....

    tanong ko lang ngayon kong magbabago rin ba ang KM/L ko incase na naka advance yong timing ko???? at isa pa pala pag patay ko ng engine ko may naamoy akong gas na galing sa car ko... may connection po ba yong pagpalit ng plug at pagpaptiming ko??? kasi di siya ganon dati...

  8. Join Date
    Nov 2003
    Posts
    3,849
    #18
    mahirap kung puro baka yung sagot sayo ng mechanic. hehe!

  9. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    2,063
    #19
    dami kasi possibilities sir.. mahirap kun sa side street mechanic lng.. mas maganda yung sa shop talaga.. ito ang mga baka baka ko.. hehe.. baka bardo yung fuel lines, madamumi na air filter at throttle body, barado yung fuel filter, spark plugs, engine oil, gear oil lasaw na.. dami pa possible causes dapat sa reputable shop kana wag dyan sa gasoline statione lobby lng.. gud luck!

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,790
    #20
    pag-inadvance mo ang timing (at eto ay beyond sa limits ng engine specs mo)...maaring bumilis ang takbo but the gas may become rich so the excess could be the one the naaamoy mo.

    suggest ko sana was ay ipa-compression test mo muna. kung within specs at balance (all pistons have the same compression) it is possible na okay pa piston rings and walang singaw ang valves mo.

    Parang nalalakihan ako sa 195/60R15 na gulong, eto ba ang stock?...ang alam ko kasi R13 and R14 lang halos lahat ng lumabas na oto...tapos 195/60 pa so malamang ang outside diameter mo ng oto ay lumaki compared to the stock. When you increase the outside diameter, wala talaga itong arangkada (kasi mabigat at malaki ang ikot)....pero sa 4th and 5th gear para na itong normal na takbo.

    Kung sliding clutch naman, you won't be able to run the car on higher speeds (often hirap ito to exceed 120kph) while the engine rpm is high. Maamoy mo rin madalas ang burned rubber.

    hth.

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
di makaharurot/makahatak ang oto... ano po ang problema???